Home Celebrities Ilang netizens, sinisi si Pangulong Duterte sa pagkatalo ni Rabiya Mateo sa Miss Universe

Ilang netizens, sinisi si Pangulong Duterte sa pagkatalo ni Rabiya Mateo sa Miss Universe

0

Kahit sa usaping beauty pageant ay hindi padin nakaligtas si Pangulong Rodrigo Duterte sa paninisi ng mga netizens.

Sa ilang post sa Twitter ay may mga netizens na sinisi ang pangulo sa pagkatalo ng kandidata ng Pilipinas na si Rabiya Mateo sa Miss Universe.

Matatandaan na bigong makapasok sa top 10 si Rabiya na ikinalungkot ng napakadaming beauty pageant fans sa Pilipinas.

Isa ang screenwriter na si Jerry B. Grácio sa mga bumatikos kay Pangulong Duterte.

“We lost the crown, but we still love you Rabiya. Kasalanan ito ni Duterte. We need to oust him to reclaim our universe.” ani Gracio.

Pabor naman ang ilang netizens sa sinabing ito ni Gracio.

Ayon kasi sa kanila ay naapektuhan daw ang imahe ng Pilipinas dahil sa kasalukuyang administrasyon kaya naman pati ang beauty pageant ay nadamay.

“Ph worst govt of all nations has influenced the ms univ panel of judges to push down our own RABIYA MATEO. Kasalanan lahat ang nangyari sa inter-national forum ni du30 dds. Trolls ph bureaucracy. Kaya, natalo ang contestant ng ph. Walang tiwala ang foreign comm sa ph leadership,” sabi ni @tan_nonoy.

“Aminin ng admin dds trolls walang trust & confidence ang foreign comm sa leadership ng ph,” dagdag niya pa.

May nagsabi pa na buti pa daw noong panahon ng dating administrasyong Aquino ay nananalo ang Pilipinas sa mga beauty pageant.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Malacanang kung ano ang masasabi nila na kahit sa beauty pageant ay sinisisi padin sila ng ilang netizens.

Isa si Rabiya sa mga hindi pumabor sa pahayag ng Pangulo na hindi maaring maging lider ng bansa ang isang babae.

“We need to give them the same opportunities. And I won’t agree with something like this because I know my capabilities and my strength as a woman and I know I can make a difference, so much difference.” ani Rabiya.

“We need female leaders, leaders who will put their emotions in making decisions. Because it’s not all about experience. Sometimes, you really need to put your emotion and to be the mother of your land,” dagdag niya pa.

Facebook Comments