Home Celebrities MJ Lastimosa, pinag uusapan ngayon sa social media dahil sa prangka niyang komento sa Miss Thailand

MJ Lastimosa, pinag uusapan ngayon sa social media dahil sa prangka niyang komento sa Miss Thailand

0

Pinag uusapan ngayon sa social media ang prangkang komento ng beauty queen na si MJ Lastimosa tungkol sa pambato ng Thailand sa Miss Unverse na si Amanda Obdan.

Sa mga video na kumakalat ngayon sa social media, maririnig si MJ habang nagbibigay siya ng komento tungkol kay Amanda na tila daw ay ginagaya ang posing at lakad ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

“Ay, Catriona!” ani MJ habang makikita sa video na lumalakad si Miss Thailand.

Pinagkumpara muli ni MJ si Catriona at Amanda sa isa pang video na kuha naman noong swimsuit competition.

β€œGinaya niya si Catriona maglakad. Ganyan si Catriona, e!” sabi ni MJ.

May ilan naman na hindi nagustuhan ang sinambit ni MJ, ngunit ipinagtanggol kagad niya ang kanyang sarili at ipinaliwanag kung bakit niya ito nasabi sa Miss Thailand.

β€œHindi po ako nang-aaway normal naman pag-aralan mga past queens. I just can see Cat (Catriona) in her. I also watched Cat live in Thailand e. I also studied Dayana Mendoza (Miss Universe 2008),” paliwanag ni MJ.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Miss Thailand sa mga komento sa kanya ni MJ.

Samantala ay hindi rin naitago ni MJ ang kanyang pagkalungkot dahil bigong makapasok sa top 10 ang kasalukuyan nating pambato na si Rabiya Mateo.

Ito ang pinakamababang naabot na posisyon ng Pilipinas sa Miss Universe makalipas ng 11 taon.

Ang pambato ng Mexico na si Andrea Meza ang tinaguriang Miss Univese 2021.

 

Facebook Comments