Home Celebrities Kim Chiu at Maris Racal, duda sa pagkapanalo ng Mexico sa Miss Universe

Kim Chiu at Maris Racal, duda sa pagkapanalo ng Mexico sa Miss Universe

0

Nagtataka ang aktres na si Kim Chiu at Maris Racal dahil sa pagkapanalo ng pambato ng Mexico na si Andrea Meza sa Miss Universe 2021.

Sa kanilang tweet, nakisali si Kim at Maris sa mga taong ipinakita ang kanilang pagdududa sa desisyon ng mga hurado na ipanalo si Andrea.

“Ano daw nangyari? Paano naging ganun? Please enlighten me. Hindi Brazil? Not Peru? Not India? No Thailand? No South Africa? At higit sa lahat walang Philippines?! Ano daw?” ani Kim.

Agad naman nilinaw na nagbibiro lamang si Kim at tanggap niya naman daw niya ang resulta ng patimpalak.

“Eme lang! Katuwaan lang mga beshie para gumaan ang loob natin! hehe Ang aga natin nagising! Palakpakan!!!!! But no matter what happened today, We love you Ms. Philippines!!! Congratulations Rabiya! Congrats also to Miss Mexico,” paglilinaw ni Kim.

Samantala naman ay tila mas apektado naman si Maris sa naging desisyon ng mga hurado ng Miss Universe.

Makikita na tila mas gusto pa ni Maris na manalo ang Miss India o Brazil.

Tinawag ding “unexpected” ni Maris ang naging resulta ng patimpalak.

Sa dami ng nagtataka katulad ni Maris at Kim ay nag trending sa Twitter ang keyword na “Bakit Mexico” dahil madaming netizen din ang kinuwestiyon ang resulta ng Miss Universe.

Bigo man na makapasok ang ating pambato na si Rabiya Mateo sa top 10 ay proud padin naman ang mga Pilipino at nagpakita ng suporta sa Ilongga beauty queen.

 

Facebook Comments