Home Celebrities Jam Magno, walang pakialam kung maging persona non grata sa Iloilo City: “Like it’s a big deal?”

Jam Magno, walang pakialam kung maging persona non grata sa Iloilo City: “Like it’s a big deal?”

0

Hindi natitinag ang vlogger na si Jam Magno sa posibleng pagdeklara sa kanya bilang persona non grata ng Iloilo City dahil sa mga komento niya sa pambato ng Miss Universe na si Rabiya Mateo.

Sa kanyang social media post, naging palaban si Magno sa mga pahayag ni Iloilo City Mayor Jerry P. Treñas na maaring hindi na makabisita ang vlogger sa kanilang siyudad kung gugustuhin ito ng tao.

Ayon kay Magno, wala siyang pakialam kung hindi na siya makabisita sa Iloilo City dahil wala naman daw espesyal sa lugar na ‘yon upang manghinayang siya ng lubusan.

“Persona Non Grata daw. Like it’s a big deal? I have been to your City and there’s nothing there that would make it painful to not see forever. You are not Cebu, Davao or Butuan. You don’t have anything that Caraga does not have better by a mile. Hahaha!” ani Jam.

Dito na inumpisahang banatan ni Magno si Treñas at inilabas nito ang mga isyu diumano ng katiwalian na hinarap nito.

“If Rabiya wins tomorrow she should defend her Mayor’s Corruption she should speak for Franklin Drilon too. Exciting! Isn’t that what you hated Amanda Ondam for? Isn’t that what you’re so mad at her about when she spoke about corruption, but Rabiya herself is from the Corruption Capital of the Philippines? I didn’t say this. The Manila Times did. You can Google it. The date may be 2014 but still it hasn’t changed one bit. Even Drilon is coming back as your Congressman next year right? Hahahaha. How perfect! And yes declare me Persona Non Grata please you wouldn’t want your dirty secrets to come out And no wonder Rabiya has issues with the Government. She speaks from experience afterall. No wonder she can’t speak of Good Governance and things like that.” sabi ni Magno.

“She isn’t talking about President Duterte but straight from Politicians from Home. Attagirl! Thanks for being Honest. And thanks for pushing me to see beyond your comments and check in with your sources. Now I know, and yes please win tomorrow. We need your voice to justify all of this. Hihi. Now I change my mind. I want you to show Amanda Obdam Corruption and what it did to your City.” dagdag niya pa.

Hindi naman nagustuhan ng ilang netizens ang sinabi ni Magno dahil tila idinamay na ng vlogger ang politika sa usaping beauty pageant.

“Miss jam hwag mong kontrahin ang taga iloilo putaktihin ka talaga impisahan mo tatapusin nila ako duterte supporters rin hwag mo sana ihalo ang politics sa pageant ,sobrang gulo na,” babala ni Wa Esgrina.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Trenas sa mga akusasyon laban sa kanya ni Magno.

Facebook Comments