Home Celebrities Iloilo City, handang i-deklarang persona non grata si Jam Magno dahil sa mga komento nito sa beauty queen na si Rabiya Mateo

Iloilo City, handang i-deklarang persona non grata si Jam Magno dahil sa mga komento nito sa beauty queen na si Rabiya Mateo

0

May posibilidad na hindi na makabisita ang vlogger na si Jam Magno sa Iloilo City.

Sa isang panayam sinabi ni Iloilo City Mayor Jerry P. Treñas na maari namang pagbawalan si Magno na bumisita sa kanilang lugar kung gugustuhin ito ng mga Ilonggo.

“If the Ilonggos think she deserves it, why not?” ani Treñas.

Matatandaan na binatikos ni Magno ang pambato ng Pilipinas para sa Miss Universe na si Rabiya Mateo na isa ding Ilongga.

Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang mga sinabi ni Magno kaya naman nag viral ito sa iba’t ibang social media platform.

Nag viral din ang ilang tweet diumano ni Magno tungkol kay Mateo.

“Thank you @catrionaelisa for speaking about your HONEST OPINION. ako nga din, pareho tayong hindi like yang si Rabiya Mateo. let’s root for #MissUniverseThailand !! surely, she will gonna win the crown #MissUniverse2020,” sabi ng Twitter account na @JamMagno_

“Funny how you make a shady comment about the Government but didn’t seem to know one important Law: to never make use of our flag as a Costume other than put it on a Flagpole. Oh well papel, Thailand pa din!” dagdag niya pa.

Ngunit sinabi ni Magno sa kanyang Facebook page na hindi daw siya ang namamahala ng nasabing @JamMagno_ Twitter account.

“I have not tweeted in weeks. And here I am trending again. Remember Fake Profile ko sa Twitter ang pinapasikat niyo. Go lang. hahaha. @thejammagno is my ONLY account,” ani Magno.

Itinanggi din niya na galit siya kay Rabiya.

“Sino ba may sabi na hate ko si Rabiya? Did I say that I did? Or did you pick it up from that fake Twitter profile? I don’t hate anyone especially someone who tried to reach out to me in the past.” sabi niya pa.

Pero sinabi niya na hindi siya naniniwala na mananalo si Rabiya.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang kampo ng beauty queen sa mga kritisismo na natanggap ni Rabiya kay Magno.

 

Facebook Comments