Home Celebrities Shamcey Supsup, ibinunyag kung bakit hindi sinoot ni Rabiya Mateo ang kanyang headpiece: “Mabigat kasi”

Shamcey Supsup, ibinunyag kung bakit hindi sinoot ni Rabiya Mateo ang kanyang headpiece: “Mabigat kasi”

0

Ipinaliwanag ng beauty queen na si Shamcey Supsup-Lee kung bakit hindi na naisoot ng pambato natin ngayon sa Miss Universe na si Rabiya Mateo ang headpiece ng kanyang costume.

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News, sinabi niya na nahihirapan si Rabiya sa pagsoot ng nasabing headpiece dahil mabigat ito at nalalaglag.

Dahil dito ay hinayaan na lamang nila na hindi sootin ni Rabiya ang nasabing headpiece na inabangan pa naman ng mga beauty pageant fans.

“It was hard for her to wear it, so we decided na kung saan siya mas komportable. Mabigat na rin kasi ‘yung wings niya in the first place.” paliwanag ni Shamcey.

“We’re so sad na hindi nasuot but still, Rabiya was able to give us a powerful performance,” dagdag niya pa.

Matatandaan na naiyak si Rabiya habang ipinapaliwanag kung bakit tila kulang ang kanyang ipinakitang performance.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

“I’m so sorry kung na-disappoint man kayo sa akin. But I know na I did my best. I even cut my finger earlier and ‘yung stockings ko puno na rin siya ng dugo. But I kept fighting,” ani Rabiya.

“Kahit wala nang oras, I didn’t have time to retouch my hair, to retouch my makeup. I was running for pins, I was running for scissors, for everything, just to be able to execute the costume really well,” dagdag niya pa.

Nakatanggap naman ito ng suporta sa Miss Universe 2018 Catriona Gray at sinabi na hindi niya kailangang humingi ng tawad.

“Rabiya Mateo does not need to apologize! She worked that stage and PER-FORMED. National Costume is a segment to celebrate culture and country’s identity but isn’t a part of the scoring towards the crown. Kaya Laban lang Queen!” sabi ni Catriona.

 

Facebook Comments