Home Celebrities Joven Olvido ng Pilipinas Got Talent, huli dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot

Joven Olvido ng Pilipinas Got Talent, huli dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot

0

Ikinagulat ng mga netizens ang pagkahuli sa tinaguriang “Vape Master” ng Pilipinas Got Talent Season 6 na si Mark Joven Olvido matapos itong mahuli ng mga otoridad.

Ayon sa report ng Pep.ph ay nahuli si Joven sa isang operasyon na ikinasa ng DEU/PIU District na pinangungunahan ni P/Lt. Henry Sasaluyam sa Barangay Duhat, Sta. Cruz Laguna.

Nasaksihan ng ilang mga opisyal ang imbentaryo ng mga ebidensiyang kanilang nakalap laban kay Joven.

Nagkakuha sila ng tatlong pirasong sachet ng pinaghihinalaang bawal na gamot at pera na ginamit ng mga otoridad para bayaran si Joven na nagkakahalaga ng 2,000 piso.

Nakilala si Joven dahil sa kanyang kakaibang paraan ng pagpapatawa gamit ang vape.

Dahil dito ay nagkaroon siya ng ilang guesting at naging cast din ito ng Ang Probinsiyano ni Coco Martin ngunit hindi ito naging sapat para maging permanente ang kanyang career sa showbiz.

Libo libo namang netizens ang ikinalungkot ang nangyari kay Joven.

“Ipagdasal na lang natin ang ating Kababayan at Pamilya nya, ang nakakalungkot lang noon Sumikat sya at nagpasaya satin Proud na Proud tayo, ngayon nasadlak sya, sana wag na natin Kutyain. Habang may Buhay may PagAsa at naniniwala ako na kaya nyang Bumangon sa kanyang Pagsubok,” ani Esmeraldo Nino Armas Jr.

“Kumapit na sa patalim ang tao. Kawawa nmn pamilya mo nyan tol. Mkikita parin sa mga mata nya ang pagiging mabuting tao. Cap.s,” sabi ni Jhay Prince Pineda.

“Sa panahon ngayon, nawawala na ang disiplina ng tao lalo na kapag kumakalam na sikmura ng pamilya ang pinaguusapan. Walang perpekto, lahat tayo nagkakamali lahat nakakagawa ng mga bagay na hindi natin ginusto ngunit pinilit ng pangangailangan. Godbless everyone at patuloy tayong manalig sa Panginoon,” saad ni Josheller Alla.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang kampo ni Joven tungkol sa pagkahuli sa komedyante.

 

Facebook Comments