Home Celebrities Super Tekla nagsalita na matapos makatanggap ng batikos sa 1-M pesos challenge ni Donnalyn Bartolome

Super Tekla nagsalita na matapos makatanggap ng batikos sa 1-M pesos challenge ni Donnalyn Bartolome

0

Nagsalita na sa unang pagkakataon ang komedyante na si Super Tekla ilang araw matapos siyang malagay muli sa isyu dahil sa nangyari sa extreme pool challenge na isinagawa niya kasama ang kapwa vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Sa kanyang pahayag, ipinaliwanag ni Tekla na may mga hindi pagkakaintindihan na nangyari sa nasabing challenge.

Ayon sa kanila ay hindi nilinaw sa kanila kung ano nga ba ang mga magiging rules ng nasabing challenge kaya naman ikinagulat nila sa video kung bakit sila na-out.

Hindi rin niya itinanggi na gusto niya din na manalo ng isang milyong piso dahil kahit naman sino ay nangangailangan sa panahon na ito.

Ngunit nilinaw niya din na hindi siya mukhang pera at sa una naman daw ay wala silang alam tungkol sa premyo na inihanda ni Donnalyn para sa mananalo sa challenge.

“Hindi po in a way na mukha akong pera, kumikita po ako ,may kabuhayan naman po ako, mayroon po akong regular job na aside po dito sa pagba-vlog, I have a regular contract sa GMA… competitive lang po ako”  paliwanag ni Tekla.

Binasa din ni Tekla ang mga mensahe sa kanya ng ilang netizens na tinawag siyang “mukhang pera” at “masama ang ugali” dahil sa kanyang ipinakita sa vlog ni Donnalyn.

Nire-respeto naman daw ni Tekla ang mga opinyon ng mga netizens dahil karapatan naman din daw nila ito.

Matatandaan na kahapon ay sinabi ni Donnalyn na handa niyang patunayan na walang nangyaring dayaan sa kanyang palaro.

“The purpose of that vlog is to make people happy, gusto ko lang celebrate 7M subs ko sharing my blessings by giving away 1 Million win or lose and at the same time entertain with no intention of cheating anyone involved,” ani Donnalyn.

Facebook Comments