Home Celebrities Sharon Cuneta, nag bakasyon muna sa Amerika para ‘makahinga’ ng maayos

Sharon Cuneta, nag bakasyon muna sa Amerika para ‘makahinga’ ng maayos

0

Nagdesisyon si Sharon Cuneta na umalis muna ng bansa para daw siya ay makahinga ng maayos.

Sa kanyang Instagram post, inanunsyo ni Sharon ang kanyang pag alis sa Pilipinas upang magpahinga, ngunit sinigurado naman niya na babalik siya sa bansa.

“I’m going home. Of course my real home, where my heart is, is where my husband and children are. But tonight I am flying home to my Mommy’s Gramps’ country, where only my eldest and I are legal residents. I need to breathe, collect myself, gain strength. Love you all and will miss you guys!” ani Sharon.

Sa kanyang mga litrato sa Instagram, mapapansin din ang malaking ipinagbago ni Sharon sa kanyang itsura, kabaliktaran ng kanyang mga ipinakita noong nakaraan kung saan ay masiglang masigla siya.

 

Sa isa pang post ay ibinunyag niya na ang bansang pinuntahan niya ay sa America.

“Home in L.A. with one of my lifelong best friends on the planet, Lorraine! On our way to dinner,” ani Sharon.

 

Matatandaan na inulan noon ng batikos si Sharon dahil sa opinyon ng ilang miyembro ng kanyang pamilya tungkol sa mga isyu ng bansa.

Hindi naman nagpatinag si Sharon at ipinagtanggol niya ang kanyang mga minamahal sa buhay.

Ilang proyekto din ang tinapos ni Sharon bago siya pumunta sa Amerika.

Isa na dito ay ang pelikula niyang “revirginized” na naging kontrobersiyal dahil sa kakaiba niyang role.

Facebook Comments