Home Social Media Organizer ng community pantry, nawindang matapos utusan ng nanghihingi na ipa-Lala move nalang ang tulong sa kanila

Organizer ng community pantry, nawindang matapos utusan ng nanghihingi na ipa-Lala move nalang ang tulong sa kanila

0

Isang organizer ng community pantry ang nawindang matapos siyang kausapin ng isa sa mga nanghihingi ng tulong sa kanya.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ng community pantry organizer na si Sofia Madrigal ang kanyang pakikipag usap sa isang nagngangalang Mel Fajardo na humihingi ng ayuda sa kanya.

Sa unang parte pa lamang ng kanilang pag uusap ay makikita na gustong humingi ni Fajardo sa kanya, ngunit malayo ang kanilang tirahan kaya naman nag request na lamang ang netizen sa organizer na ipa-deliver nalang ang ayuda gamit ang isang courier service.

Litrato mula kay Sofia Madrigal

Kahit na medyo lugi na si Madrigal ay handa padin siyang ipadala ang tulong gamit ang courier service, ngunit hindi niya na kinaya ang mga susunod na pangyayari.

Ang hinihingi kasing tulong ni Fajardo, kailangan daw ay para sa 16 na kanyang kamag anak.

Dito na sinabi ni Madrigal na hindi niya maibibigay kagad ang tulong na hinihingi ni Fajardo dahil halos ubos na ang ipinapamahagi niya.

Ipinaliwanag ng organizer kay Fajardo na sa Biyernes na lamang niya ito mabibigyan ng tulong.

Imbis na intindihin na lamang ay nag reklamo pa si Fajardo sa organizer.

Litrato mula kay Sofia Madrigal

Kahit ganon na ang trato sa kanya ay nagpakumbaba padin si Madrigal ay nagpaliwanag na baka magawan niya ng paraan ang hinihingi ng netizen.

Litrato mula kay Sofia Madrigal

Pero tila napikon na si Madrigal ng tila hamakin na ni Fajardo ang ginawang community pantry ng organizer.

Umabot ng libo libong shares sa social media ang ibinahaging istorya ni Madrigal.

Matatandaan na nag viral nadin noon sa social media ang isang grupo ng mga babae na sinimot ang isang community pantry.

Matapos silang mag viral ay sinubukan ng nasabing grupo na magsampa pa ng reklamo laban sa may ari ng nasabing community pantry.

 

Facebook Comments