Home Celebrities Dating kaibigan ni Francis Leo Marcos, ibinulgar ang diumano’y panloloko ng internet celebrity: “Isa kang budol!”

Dating kaibigan ni Francis Leo Marcos, ibinulgar ang diumano’y panloloko ng internet celebrity: “Isa kang budol!”

0

Lumitaw ang isang babae na diumano’y naging matalik na kaibigan ng nagpakilalang negosyante at pilantropo na si Francis Leo Marcos (FLM).

Sa isang press conference, sinabi ni Mary Ann Faustino o mas kilala ngayon sa internet bilang “Nanay Mary Ann” ang diumano’y ginawang pananamantala ni FLM sa mga mahihirap sa pamamagitan ng kanyang “Mayaman Challenge”.

Matatandaan na sumikat sa social media si FLM dahil sa kanyang challenge kung saan ay hinahamon niya ang mayayaman at mga netizens na gayahin ang ginagawa niyang pagtulong, katulad ng pamimigay ng sako sakong bigas sa mahihirap.

Ngunit ayon kay Faustino, hindi naman daw bukal sa puso ni FLM ang pamimigay nito ng bigas dahil gusto lamang daw nitong makapanloko ng tao.

Humingi din ito ng tulong sa administrasyon upang maresolba ang kanilang problema kay FLM, dahil milyon milyong piso daw ang nakukulimbat ng internet celebrity sa mga OFW.

“Tatay Digong, tulungan mo po kaming mga biktima ni Norman Mangusin na nagtatago sa kanyang mga supporter na OFW na hanggang ngayon ay nabibilog ang kanilang mga ulo,” sabi ni Faustino.

“Ginamit po ang pangalan niyo ni Norman Mangusin at sinasabi na tuwang tuwa daw po kayo sa kanya at tinutulungan niyo daw po siya na maayos ang kanyang mga kaso,” dagdag niya pa.

May mga pera din daw si Faustino na naitakbo ni FLM dahil sa lubos na pagtitiwala niya dito na maayos ang kaso niya sa tulong ng isang nagngangalang “Esther” na malapit daw kay Tatay Digong.

“Ang na scam sakin ay pagmamahal, emosyon na ngayon ay ginagawa niya,” kwento ni Faustino na nakuhanan din daw ng nagkakahalagang 2.3-M ni FLM.

Mariin namang iginiit ng kampo ni FLM ang akusasyon laban sa kanila ni Faustino at hinamon nila na patunayan na lamang ito sa korte.

 

Facebook Comments