Home Celebrities Kuya Kim Atienza, binanatan si Mario Maurer dahil sa pagpapakita nito ng paghanga kay Rabiya Mateo

Kuya Kim Atienza, binanatan si Mario Maurer dahil sa pagpapakita nito ng paghanga kay Rabiya Mateo

0

Binanatan ni Kim Atienza ang Thai actor na si Mario Maurer matapos nitong magbigay ng pahayag tungkol sa kanyang paghanga kay Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Matatandaan na sinabi ni Rabiya na isa siyang fan ni Mario at agad namang nagbigay ng tugon ang Thai superstar sa beauty queen.

“I heard that Rabiya is kind of a fan of mine, and I’m very happy to hear that.” ani Mario.

“And, you know, I wish her good luck because I know she’s in the competition, so I wish [her] good luck,” dagdag niya pa.

Dito na hindi nakapagpigil si Kuya Kim at binanatan nito si Mario dahil naalala nito ang ginawa ng kampo ng aktor sa komedyante na si Kakai Bautista.

“No, Rabiya is not a fan of yours, Kakai was and how badly you and your PR team treated her. Just had to say that.” ani Kim.

Nitong nakaraang Marso ay naglabas ng demand letter ang kampo ni Mario kay Kakai na nagsasabi na bawal ng gamitin ng komedyante ang pangalan ng Thai actor.

Nakahanda din daw magsampa ng reklamo laban kay Kakai ang kampo ni Mario kung hindi ito titigil sa pag gamit ng pangalan ng kanilang kliyente.

“By so using the name of our client, [Bautista] is improperly exploiting the name, image and reputation of [Maurer], his management, agents and representatives, and may be violating existing laws of the Republic of the Philippines and the Kingdom of Thailand.” saad ng demand letter.

Kahit na tila gigil na gigil sa kanya ngayon ang mga Pilipino ay balak parin daw ni Mario na bumalik sa Pilipinas para sa isang pelikulad.

“I’m looking forward to doing a movie in the Philippines because my last movie there was quite an experience for me and people there are very nice. I would like to go back there again.” sabi niya.

 

Facebook Comments