Home Celebrities Anthony “Ka Tunying” Taberna, nagpasalamat sa gobyerno: “Tumingin muna sa maganda sa paligid mo”

Anthony “Ka Tunying” Taberna, nagpasalamat sa gobyerno: “Tumingin muna sa maganda sa paligid mo”

0

Todo pasalamat ang mamamahayag na si Anthony “Ka Tunying” Taberna sa gobyerno ito’y matapos siyang mabakunahan.

Sa kanyang Facebook post, ikinuwento ni Ka Tunying ang kanyang naging karanasan matapos siyang bakunahan ng Sinovac.

“Kung galit man kayo sa Chekwa, wag magalit sa bakuna dahil mahalagang protektado ka. Kung walang side effect noong first dose, malamang daw ay meron sa 2nd jab. Wag naman sanang matindi. Sabi nga ng Doktor, ang bakuna ay di dapat magbigay ng false sense of security – face mask at face shield pa rin, hugas kamay at alcohol at syempre, physical distancing. Makakaraos din tayo sa pandemyang ito dahil basta’t sama-sama, kayang kaya!” ani Ka Tunying.

Pag kaya pang magpasensya, saka na tayo magalit at magreklamo, tumingin muna sa maganda sa paligid mo! Salamat sa gobyerno, salamat kay Mayor, salamat sa mga volunteers, salamat sa mga medical frontliners,” dagdag niya pa.

Isa si mga Ka Tunying sa mga kilalang mamamahayag na sumusuporta sa kasalukuyang administrasyon.

Naging usap usapan din noon ang mamamahayag dahil narin sa nangyari sa kanyang negosyo kung saan ay milyon milyong piso ang diumano’y ninakaw sa kanya ng taong kanyang pinagkakatiwalaan.

 

Facebook Comments