Home Social Media Dalawang lalaki, huli matapos mag selfie sa riles ng mismong MRT-3

Dalawang lalaki, huli matapos mag selfie sa riles ng mismong MRT-3

0

Nahaharap ngayon sa reklamo ang dalawang lalaki matapos silang bumaba sa riles ng MRT-3 upang kumuha ng litrato.

Nahaharap ngayon sa kasong alarm and scandal sila Jerald Oliva, 22, isang contruction worker at Rey Llasos, 28, isang tricycle driver dahil sa ginawa nilang pagkuha ng litrato sa riles kahit na mahigpit itong ipinagbabawal.

Makikita sa CCTV footage si Oliva habang bumababa sa riles habang nakaabang naman si Llasos para kumuha ng litrato para sa kanyang kaibigan.

Umupo pa si Oliva sa mismong riles kahit na luba itong delikado.

Agad namang nakita ng mga security guard ang ginawa ng mga suspek.

Dinala ang dalawa sa Quezon City Police District para dumaan sa inquest procedure.

Nakatanggap din ang dalawa ng sermon mula kay MRT-3 OIC General Manager Asec. Eymard D. Eje.

Humingi naman ng tawad ang dalawa sa kanilang nagawa at sinabi na gusto lang nilang kumuha ng kakaibang litrato.

Sinabi naman ng namamahala sa MRT-3 na sana’y magbigay itong babala na hindi nila hahayaan na may lumabag sa patakaran ng kanilang istasyon.

Facebook Comments