Home Celebrities Maja Salvador tinawag na isang malaking pagkakamali ang relasyon nila noon ni Gerald Anderson: “Dapat hindi namin pinilit”

Maja Salvador tinawag na isang malaking pagkakamali ang relasyon nila noon ni Gerald Anderson: “Dapat hindi namin pinilit”

0

Tinawag na isang pagkakamali ng aktres na si Maja Salvador ang kaniyang pakikipag relasyon sa aktor na si Gerald Anderson.

Sa panayam sa kanya ng MEGA Entertainment Editor G3 San Diego, sinabi niya na pinagsisisihan niya na itinuloy niya ang relasyon niya kay Gerald na ngayo’y nasa piling na ni Julia Barreto.

“Dapat hindi namin pinilit. Oo, na-in love kami sa isa’t isa pero siguro yung mahirap na sa umpisa pero parang andiyan na eh!” ani Maja.

Ayon sa kanya ay nawalan siya ng mga endorsement dahil sa isyu na kinaharap nila.

“Ako, gapang talaga from the start. Siya, dumadami pa yung commercials niya. Ako, as in gapang… nawala ako. Nawalan ako ng mga endorsement.” kwento niya.’

Matatandaan na dapat ay si Maja ang magiging leading lady ni Gerald sa drama series ng ABS-CBN na “Init sa Magdamat”.

Ngunit tinanggihan ito ni Maja dahil nadin sa kanyang kasalukuyang relasyon.

Dahil dito ay si Yam Concepcion na lamang ang pumalit sa role ni Maja na naging epektibo naman dahil pinag uusapan ng mga tao ang nasabing drama series.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Gerald sa mga sinabi ni Maja tungkol sa kanilang relasyon.

Naharap nadin noon si Gerald dahil naman sa dating relasyon niya kay Bea Alonzo.

Ayon kasi kay Bea ay iniwan na lamang siya sa ere ni Gerald na mariin namang itinanggi ng aktor.

Tinawag na “toxic” ni Gerald ang relasyon nila ni Bea kaya siya kumalas sa aktres.

Facebook Comments