Home Celebrities “Ang ganda!” Bagong itsura ni Ms. Everything ikinagulat ng mga netizens

“Ang ganda!” Bagong itsura ni Ms. Everything ikinagulat ng mga netizens

0

Libo libong netizens ang nagulat at humanga sa bagong itsura ngayon ni Ericka Camata o mas kilala bilang “Ms. Everything”.

Inanunsyo ng Toledo Medical Companies Inc. ang ginawa nilang procedure kay Ms. Everything para mapaganda ito.

“Glow up for Ms. Everything. Dr. Toledo polished yet preserved the natural look as Ms. Everything portrays comedy roles in her blogs,” ani ng nasabing Facebook page.

Ibinunyag din nila na dumaan sa walong procedure si Ms. Everything para maabot ang kanyang kasalukuyang ganda.

Ang mga nasabing procedure ay Facial harmony by volume correction, Barbie Forehead, Almond Eyes, Chin Augmentation, Cheek Augmentation, Perfect Jaw Angle, Lip reduction Rhinoplasty with Sailboat Alar Plasty.

 

Umabot ng libo libong reaksyon mula sa mga netizens ang bagong itsura ni Ms. Everything.

Naging kilala si Ms. Everything sa Tiktok kung saan ay nakakuha siya ng milyo milyong views mula sa mga netizens na naaliw sa kanya.

Madami din ang humanga sa internet celebrity dahil sa pagiging masayahin niya kahit na nakakaranas siya ng pagsubok katulad nalang ng masira ang kanilang bahay dahil sa bagyo.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si Ms. Everything sa bagong transformation na ginawa sa kanya.

Facebook Comments