Home Celebrities Yorme Isko Moreno, ipinakita ang mga townhouse na ipinatayo para sa mga taga Maynila

Yorme Isko Moreno, ipinakita ang mga townhouse na ipinatayo para sa mga taga Maynila

0

Ipinakita ng alkalde ng Maynila na si Isko Moreno ang mga townhouse na ipinatayo ng kanyang administrasyon para sa mga residente ng Baseco Compound.

Isa ang Baseco Compound sa mga pinakamahihirap na lugar sa bansa ngunit ngayon ay mabibigyan na ang ilang mga residente doon ng panibagong matitirhan.

Naniniwala si Isko na dahil sa proyektong ito ay tataas ang pamumuhay ng mga taga Baseco.

Aabot sa 229 na dalawang palabag na bahay ang ipinatayo ni Yorme at bawat isa nito ay may laki na 42 square meter.,

Mayroon itong dalawang kwarto, maayos na banyo at kusina.

Makikita na mayroon naring mga nakahandang gamit sa mga pabahay katulad ng kama at dining sets.

“Masaya ako at excited ako para sa inyo. Loobin nawa ng Diyos na matapos agad ito para magamit niyo na po ito kaagad,” ani Isko.

“Kaunting hintay nalang po, mga minamahal kong kababayan. Hindi po porket mahirap ang ating pamumuhay ay hindi na po tayo magkakaroon ng pag-asa sa ating buhay,” dagdag niya pa.

Maliban sa Baseco ay nagpapatayo din siya ng 15-story housing project para sa mga residente ng Tondo.

Noong Marso ay ibinunyag ni Isko na nakuha niya ang ideya na magpatayo ng bahay para sa mga residente ng Maynila sa kanyang ina at ama na noon ay nangarap din na magkaroon ng disenteng matitirhan.

“’Yung pangarap ng tatay at nanay ko na magkaroon ng sariling bahay na hindi naganap ay siya namang bagay na pinagpapasalamat ko sa Diyos ngayon dahil nabigyan ako ng pagkakataon na matupad ko ang pangarap ng inyong nanay at tatay. Para sa inyo mga Batang Maynila,” saad ng alkalde.

Facebook Comments