Home Celebrities Pari sa Pampanga pinag uusapan dahil sa diumano’y pang aagaw nito ng asawa: “Winasak mo ang pamilya ko!”

Pari sa Pampanga pinag uusapan dahil sa diumano’y pang aagaw nito ng asawa: “Winasak mo ang pamilya ko!”

0

Isang pari sa Pampanga ang nahaharap ngayon sa isang malaking iskandalo dahil sa akusasyon na siya diumano ay sumira ng isang pamilya.

Sa isang video na kumakalat ngayon sa internet ay makikita ang isang lalaki na kinompronta ang nasabing pari na nakabase sa San Agustin Parish sa Pampanga.

Winasak ng lalaki na isang doktor sa harapan ng pari ang isang family portrait at inakusahan din niya ang nasabing alagad ng simbahan na sinira daw nito ang kanyang pamilya.

Maririnig na humihingi ng tawad ang nasabing pari, ngunit hindi ito tinanggap ng lalaki.

“Winasak mo ang pamilya ko, imbis na turuan mo ng salita ng Diyos ay dinali mo,” sabi ng lalaki.

Binangit pa ng lalaki ang isa sa sampung utos na Bibliya.

“Thou shalt not covet thy neighbor’s wife.” saad ng lalaki.

Nangako ang lalaki na hindi niya palalampasin ang ginawa ng pari sa kanyang pamilya at magsasampa ito ng reklamo.

Hindi parin naman daw nawasak ang pananampalataya ng lalaki sa simbahang katoliko at naniniwala siya na ang pari na umagaw sa kanyang asawa ay isa lamang sa mga “ahas” sa kaniyang relihiyon.

Iniimbistagahan na daw ng simbahan ang ginawa ng nasabing pari na kilala daw bilang “the singing priest”.

Hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag ang nasabing pari.

Facebook Comments