Home Celebrities Dating contestant ng “It’s Showtime” nagbebenta na diumano ng laman para kumita ayon kay Ogie Diaz

Dating contestant ng “It’s Showtime” nagbebenta na diumano ng laman para kumita ayon kay Ogie Diaz

0

Kinaawaan ng talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz ang ilang mga aspiring talents na ngayon ay napilitan ng magbenta ng laman dahil sa wala silang magpagkakitaan.

Sa kanyang vlog, ikinuwento ni Ogie ang kanyang panayam sa isang dating contestant ‘Bidaman’ isa sa mga dating segment ng noontime show na “It’s Showtime”

Ayon kay Ogie, nag uumpisa daw ang ‘bentahan’ sa Twitter kung saan ay nang aakit daw ang mga talents na ito na kinakagat naman ng mga gay na user ng nasabing social media platform.

“So kunwari type nila ako mag-aalok ako, magtu-tweet ako ng mga gustong mag-member, may mga private videos ako na ise-send sa inyo kung magme-member kayo at ang bayad, P1,500 good for 1 month,” kwento ni Ogie.

Dito na daw nakausap ng talent manager ang isa sa mga nagbebenta na contestant ng Bidaman.

“Ang sabi niya, ‘wala po kasi akong pera, alangan namang magnakaw ako, e, kapos na kapos po ako. Wala po akong project, pati manager ko walang maibigay na project,” kwento kay Ogie ng aspiring talent na hindi niya pinangalanan.

“‘Ano ho gagawin ko, kailangan naming mabuhay na pamilya.’ Sa panahon ngayon anong bagay na trabaho na bigla kang magkakapera?’” dagdag niya pa.

Naiintindihan naman daw ni Ogie ang kalagayan ng kapanayam niya lalo na’t kaunti lang naman talaga ang oportunidad ngayon.

“inuunawa natin sila kung saan sila nanggagaling lalo na kung breadwinner sila pero hindi natin ini-encourage. Ang ano kasi rito, may resibo, paano kung pagdating ng araw at magkaroon ka ng sariling pamilya makikita ‘yan ng mga anak mo tapos sa school tampulan ng tukso ‘yan. So dapat ready lang siya sa mga ganu’n in the future.” sabi niya.

 

Facebook Comments