Home Celebrities Vice Ganda nagsalita muli isang taon matapos magsara ang ABS-CBN: “Di sila lubos nagtagumpay!”

Vice Ganda nagsalita muli isang taon matapos magsara ang ABS-CBN: “Di sila lubos nagtagumpay!”

0

Ilang mga artista at kilalang personalidad ang nagpakita ng suporta sa ABS-CBN isang taon matapos magsara ang nasabing television network matapos itong hindi mabigyan ng panibagong prangkisa ng kongreso.

Isa ang komedyante na si Vice Ganda sa mga nagbigay ng mensahe sa unang anibersaryo ng pagsasara ng ABS-CBN.

Sa kanyang tweet, tinawag ni Vice na “ganid” ang mga taong nagpasara ng Kapamilya Network at naniniwala siya na hindi nagtagumpay ang mga ito na tuluyang burahin ang ABS-CBN.

“Isang taon na ang nakalipas ng tangkain ng mga ganid at masasamang loob na ang mga KAPAMILYA ay mapagkaitan ng serbisyong kailangang kailangan nila lalo sa panahon ng pandemya. Ngunit di sila lubos na nagtagumpay. Dahil andito pa rin kami at patuloy na isinasabuhayang sinumpaang linyang ‘In the service of the Filipino worldwide,’” ani Vice.

“Ang sinumpaang linyang “In the service of the Filipino worldwide”. Ang pamilya ay di sinusukuan. Nahihirapan ngunit nagtatagumpay. Andito pa rin kami para sa’yo KAPAMILYA!” dagdag niya pa.

Isa si Vice sa mga masugid na taga suporta ng ABS-CBN at nagtanggol sa network noong inuulan ito ng batikos dahil sa mga akusasyon na may mga nilabag itong batas.

Nakisali din ang komedyante sa mga rally na nagpapakita ng suporta sa ABS-CBN.

Hanggang ngayon ay hindi padin malaman kung may pag asa pa bang makakuha ng prangkisa ang nasabing network.

 

Facebook Comments