Home Celebrities Ogie Diaz pumalag sa mga balita na nakabuntis na diumano si Bimby Aquino ng isang artista

Ogie Diaz pumalag sa mga balita na nakabuntis na diumano si Bimby Aquino ng isang artista

0
Ogie Diaz pumalag sa mga balita na nakabuntis na diumano si Bimby Aquino ng isang artista

Pumalag ang showbiz reporter at talent manager na si Ogie Diaz sa mga tsismis na diumano’y nabuntis ng anak ni Kris Aquino na si Bimby ang aktres na si Miles Ocampo.

Sa kanyang Youtube video, ikinagulat ni Ogie ang mga kumakalat na balita na magkaka anak na daw si Bimby kay Miles.

Naniniwala si Ogie na nanghahakot lamang ng views ang mga Youtube channel na nagbalita nito.

“Nakakaloka! Diyos ko! Miles Ocampo, buntis? Hulaan mo kung kanino. Si Bimby Aquino Yap,” ani Ogie Diaz.

“Umaagaw lamang po ng atensyon para magkaroon ng maraming views. Buti na lang matatalino ang netizens ngayon, hindi basta-basta naniniwala, hindi gullible.” dagdag niya pa.

Hindi naman daw totoo ang balita lalo na’t bata pa lamang si Bimby.

“Hindi naman tayo sa edad lang para makabuntis, dapat 18 na para makabuntis, hindi. Ang nakakaloka, hindi nila kinonsider na si Bimby ay 14 years old lamang at 24 si Miles.” paliwanag ng talent manager.

Nakiusap si Ogie sa mga Youtube channel na gumagawa ng maling balita kay Bimby na maawa sana sila sa bata.

“Utang na loob, yung nabuntis si Miles, para makagawa lang po tayo ng issue, para lang magkaroon tayo ng views sa ating YouTube channel. Utang na loob, tigilan niyo ‘yan. Ang dami diba? Kailan kayo hihinto? Nakakaloka kayo.” 

Matatandaan na pinuna na din noon ni Kris noong Marso ang mga Youtube channel na nagpapakalat ng maling balita sa kanyang anak.

Ilan sa mga videos na ikinalat sa Youtube ay ang balita na nakabuntis na daw diumano ang panganay ni Kris na si Josh.

Mariin namang itinanggi ng host ang nasabing balita.

Hanggang ngayon ay hindi padin tumigil ang mga nasabing Youtube channels sa pag gawa ng mga nasabing video.

Facebook Comments