Home Celebrities Coco Martin, may karapatan daw tumakbo sa kahit anong posisyon sa eleksyon ayon sa isang beteranang host at manunulat

Coco Martin, may karapatan daw tumakbo sa kahit anong posisyon sa eleksyon ayon sa isang beteranang host at manunulat

0
Coco Martin, may karapatan daw tumakbo sa kahit anong posisyon sa eleksyon ayon sa isang beteranang host at manunulat

Naniniwala ang isang beteranong manunulat at host na may karapatan ang aktor na si Coco Martin upang tumakbo sa susunod na taon sa eleksyon.

Sa isang artikulo, ikinumpara ni Lolit Solis si Coco Martin sa ilang artista na sinubukang pumasok sa politika at nagtagumpay katulad ni Senador Lito Lapid na isang dating action star.

“Kung gusto ni Coco Martin na tumakbo sa election sa kahit ano pang posisyon, karapatan niya Salve. Iyon sinasabi na pinipilit siya ni Lito Lapid, kung tutoo , bakit hindi niya subukan. Si Lito Lapid ang puwede niyang gawin malaking example para magkaruon siya ng lakas ng loob. Mula sa pagiging stuntman, extra, action star, ngayon isa ng Senador,” ani Lolit.

“Kung nagawa ni Lito Lapid, bakit hindi magagawa ni Coco Martin ? Kung anuman ang dahilan ng mga tao na iboto si Lito Lapid iyon din ang puwede maging reason para manalo si Coco Martin,” dagdag niya pa.

Paliwanag pa ni Lolit, nanalo ang mga party-list na inendorso ni Coco Martin at ng kanyang palabas na Ang Probinsiyano kaya’t naniniwala siya na mataas ang tsansa ng aktor na sa eleksyon.

“Sa tagal ng Probinsiyano sa ere, magkaruon nga ng 2 Party List na parehong nanalo sa election, iyon mismo pang si Coco Martin ang hindi mananalo. Sureball na sa dami ng mga nanuod ng Probinsiyano, sa naging tatak nito sa utak ng manunuod , tiyak na matatandaan nila ang pangalan Coco Martin isulat sa balota,” sabi ni Lolit.

“In fairness, kahit sa mga kasamahan niyang artista mabango ang pangalan ni Coco Martin. Marami siyang naging kaibigan kaya siguro marami din ang nagbibigay lakas loob sa kanya. So kung gusto niya tumakbo, go go Coco Martin. Karapatan mo iyon,” dagdag niya pa.

Isa si Coco Martin sa mga pinakasikat na artista ngayon sa Pilipinas dahil sa kanyang palabas na Ang Probinsiyano na nasa ere na ng ilang taon.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Coco kung susubukan niya talagang pumasok sa politika.

 

Facebook Comments