Home Celebrities Candy Pangilinan, ikinuwento ang pagtataksil sa kanya ng dati niyang asawa: “Totoong hindi ko bra yun. Hindi talaga,”

Candy Pangilinan, ikinuwento ang pagtataksil sa kanya ng dati niyang asawa: “Totoong hindi ko bra yun. Hindi talaga,”

0
Candy Pangilinan, ikinuwento ang pagtataksil sa kanya ng dati niyang asawa: “Totoong hindi ko bra yun. Hindi talaga,”

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Candy Pangilinan sa naging karanasan niya sa dati niyang asawa.

Inilahad ito ni Candy sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa online talkshow na ‘ToniTalks’ kung saan ay ikinuwento niya ang isa sa mga pinakamalungkot na yugto ng kanyang buhay.

Ayon kay Candy ay hindi pa sila kasal ng kanyang dating asawa ay talagang nambababae na ito.

Akala niya ay kung ikakasal sila at magkaka anak ay titigil na ang kanyang asawa sa ginagawang kalokohan ngunit hindi parin daw ito tumigil.

“Even before kami kinasal, meron na akong mga nahuli,” kwento ni Candy.

“Pero kasi, di ba, yung babae, feeling mo people change? Feeling ko a baby will save it—so nabuntis ako—but no.” dagdag niya pa.

Ang masaklap pa nito ay kahit nagbubuntis pa siya ay sinusubukan na ng kanyang dating asawa na makipaghiwalay sa kanya.

“Before I gave birth, nandiyan pa naman siya, pero sinasabi niya sa akin na iiwanan niya ako,” kwento niya.

Sabi pa ng kanyang dating asawa ay dapat magpasalamat siya at binigyan pa siya ng “souvenir” nito bago iwan.

Ang binabangit ng dating asawa ni Candy na souvenir ay ang kanilang anak.

Isang buwan matapos niyang manganak ay iniwan na siya ng kanyang asawa.

Naapektuhan din daw ang kanyang mental health sa ginawa sa kanya ng kanyang dating asawa kaya naman nagpatingin ito sa doktor.

“Nagpa-psychologist ako. Kasi, sinasabi ng ex ko before, baliw daw ako. Sabi niya, ‘Baliw ka. Kasi pinaghihinalaan mo ako may babae.’ Sabi ko, ‘So, baliw ako?’ Kaya siya umalis dahil baliw ako. Pero feeling ko talaga, meron. So, nagpa-check talaga ako sa doctor kung talagang baliw ako.” ani Candy.

“Hindi naman daw. Kasi totoong hindi ko bra yun. Hindi talaga, e.” dagdag niya pa.

17-years old na ngayon ang kanyang anak na si Quentin.

Ngayon ay naka move-on na naman si Candy sa tulong ng kanyang counselor at mga taong nasa paligid niya.

 

 

Facebook Comments