Home Celebrities Internet celebrity, kulong matapos lumabas habang may naka drawing na face mask sa kanyang mukha

Internet celebrity, kulong matapos lumabas habang may naka drawing na face mask sa kanyang mukha

0
Internet celebrity, kulong matapos lumabas habang may naka drawing na face mask sa kanyang mukha

Isang internet celebrity ngayon ang nahaharap sa reklamo dahil sa ginawa niyang prank kung saan ay pumunta siya sa pampublikong lugar ng walang face mask.

Sa video ng Instagram celebrities na si Josh Paler Lin and Leia Sin ay makikita ang kanilang ginawang paglabag sa basic health protocols na hindi pagsosoot ng face mask.

Sinubukan nilang itago ang kanilang paglabag sa pamamagitan ng pagpipinta nila ng face mask sa kanilang bibig.

Nag umpisa ang nasabing prank ng sila ay hindi papasukin sa isang mall sa Bali, Indonesia dahil hindi sila nagsoot ng face mask.

Imbis na sumunod sa sinabi ng security guard sa kanila ay bumalik sila sa kanilang sasakyan upang mag drawing ng face mask sa kanilang mukha.

Pagbalik nila sa nasabing supermarket ay gumana naman ang kanilang ideya at pinapasok sila ng security guard na walang kaalam alam na wala naman talaga silang soot na face mask.

Inulan ng batikos ang nasabing prank ni Josh na isang Taiwanese at Leia na isa namang Russian dahil sa ginawa nilang paglabag sa basic health protocols.

Matapos makita ng mga otoridad ang video ay inaresto kagad nila ang dalawa dahil sa paglabag sa health protocols.

Ngayon ay nakakulong ang dalawa at nahaharap din sa posibleng deportation.

Humingi naman ng tawad ang dalawa online.

“I made this video to entertain people because I’m a content creator and it is my job to entertain people,” ani ni Leia.

“However, I did not realise that what I did could actually bring a lot of negative comments,” dagdag niya pa.

 

Facebook Comments