Home Celebrities ‘GCash Budol” na si Daisy Dimaculangan, pinaghahanap na ng mga netizens dahil sa dami na ng naloko nito

‘GCash Budol” na si Daisy Dimaculangan, pinaghahanap na ng mga netizens dahil sa dami na ng naloko nito

0
‘GCash Budol” na si Daisy Dimaculangan, pinaghahanap na ng mga netizens dahil sa dami na ng naloko nito

Pinaghahahanap na ngayon ng mga netizens ang tinaguriang ‘budol’ sa Facebook na si Daisy Dimaculangan matapos nitong biktimahin ang isang netizen na humihingi ng tulong upang mapagamot ang kanyang ama.

Nag umpisa ang isyu matapos siyang maloko ng nasabing budol ng mag post ang netizen na si Jayvee Buracan sa kanyang social media account upang mangalap ng pondo para sa kanyang ama na may sakit.

Marami mang natanggap na tulong si Jayvee ay nasayang lamang ito lahat ng mabiktima siya ni Daisy na nagpanggap na magbibigay ng donasyon para sa ama ng biktima.

Umabot ng mahigit 15,000 pesos ang nakuha sa GCash account ni Jayvee na nakumpirmang ipinadala sa nagngangalang ‘Daisy Dimaculangan’.

Ang pera na nakuha sa GCash ni Jayvee ang naipon sana ng netizen upang ipampagamot sa kanyang ama.

“Bakit ako pa? Sa dinami dami bakit ako pa? Paki tulungan po ako please. Paki trace po yung number,” ani Jayvee.

“Hindi ko na po alam gagawin ko, nag tiwala lang naman po ako pero nasobrahan,” dagdag niya pa.

]

Libo libong netizen naman ang nangako na tutulungan si Jayvee na hanapin ang suspek na madami na palang naloloko sa social media.

Ilan sa mga modus ni Daisy ay ang pag gamit ng ilang larawan ng mga may sakit upang makapanloko ng tao at makahingi ng pera gamit ang kanyang GCash.

Tila kilalang kilala na nga si alyas Daisy at madami na pala ang nakakakita sa mga modus ng suspek.

May mga ilan naring netizen ang ipinakita ang mga posibleng tao sa likod ni Daisy Dimaculangan at isa na rito ang isang lalaki na diumano’y anak ng suspek.

Kinuyog din ng mga netizen ang isang babae na nagngangalang Daisy Dimaculangan ngunit ipinaliwanag naman ni Jayvee na hindi ito ang tao na nanloko sa kanya.

Sa kasamaang palad ay kahit na nabiktima na si Jayvee ay patuloy parin na may gumagamit ng kanyang pangalan upang makapanloko ng tao.

Kanina lamang ay may mga tao na diumanong nanghihingi ng pondo sa social media gamit ang pangalan ni Jayvee kahit na wala niyang permiso.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga otoridad kung gumagawa na ba sila ng aksyon para tulungan si Jayvee na mahuli si Daisy Dimaculangan.

Sa mga gustong magbigay ng tulong ay maari lamang ninyong padalhan ng mensahe si Jayvee sa kanyang Facebook account.

Facebook Comments