Home Celebrities James Yap may mensahe sa mga netizens: “Sigurado akong hindi bakla sa Bimby”

James Yap may mensahe sa mga netizens: “Sigurado akong hindi bakla sa Bimby”

0
James Yap may mensahe sa mga netizens: “Sigurado akong hindi bakla sa Bimby”

Nagsalita na sa unang pagkakataon ang dating basketbolista na si James Yap tungkol sa usap usapan sa kasarian ng kanyang anak sa television host na si Kris Aquino na si Bimby Aquino Yap.

Sa isang panayam, sinabi ni James na naniniwala siya na hindi gay ang kanyang anak na si Bimby kahit na madaming netizens ang nagsasabi na may kakaiba sa ikinikilos ng bata.

“Miga, tahimik lang ako gani parte sa issue na agi kuno si Bimby kay kabalo ko indi man guid siya agi. Dili ako gapati sa kucho-kucho. (Tahimik lang ako sa isyu tungkol sa tsismis na bakla daw si Bimby kasi alam ko na hindi naman ‘yun totoo),” ani James.

“I was with Bimby till he turned 7, that’s why I know he’s a real boy. Because even when a kid is still young, it’s already obvious if he’s gay. Naintindihan ko si Kris. S’yempre, sa iya nagdako si Bimby kaya nagreact guid siya sa isyu. (Naiintidihan ko si Kris dahil lumaki siya kasama si Bimby kaya talagang papatulan niya yung isyu na ibinabato sa anak niya),” dagdag niya pa.

Matatandaan na ilang beses ng inakusahan si Bimby ng pagiging gay dahil daw sa kilos at pananalita nito na tila daw ay malambot.

Ngunit itinaggi ito ni Bimby at sinabi na siya ay isang straight.

“Wala, I don’t really feel anything. If you think I’m gay, alright. But you do realize that the gay community sa Philippines is a strong community. And you do realize that I’m 14,” sabi ni Bimby.

“I know what I am. I’m straight as an arrow,” dagdag niya pa.

 

Facebook Comments