Home Social Media Ilang magulang gumawa ng liham para kay Pangulong Duterte upang ipagbawal ang “Mobile Legends” sa Pilipinas

Ilang magulang gumawa ng liham para kay Pangulong Duterte upang ipagbawal ang “Mobile Legends” sa Pilipinas

0
Ilang magulang gumawa ng liham para kay Pangulong Duterte upang ipagbawal ang “Mobile Legends” sa Pilipinas

May ilang magulang ang hiniling sa mismong Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte na ipagbawal na ang mga mobile games katulad ng Mobile Legends (ML) dahil nakakasama daw ito sa kanilang mga anak.

Sa Facebook group na “Official Letter to the President Rodrigo Roa Duterte”, viral ang isang liham kung saan hiniling ng isang magulang na ipagbawal na ang ML dahil daw sa masamang epekto nito sa kabataan.

Ayon kay Mharia Gracia Pajares Pagado na siyang nag post ng nasabing liham ay sinabi niya na nawawalan daw ng disiplina ang mga kabataan dahil sa paglalaro ng nasabing mobile game.

“Please kung pwede pong pki disable na ung game na ML Online. Parents ok b kayo kung sakali? Kasi ung mga batang naglalaro ng ML MOBILE LEGEND nagiging matigas ang ulo, nawawalan ng disiplina sa sarili at pala sagot sa magulang dahil ayaw paistorbo sa paglalaro,” ani Pagado.

Naniniwala ang nasabing netizen na ang ML daw ay ginawa ni “Satanas” upang kontrolin ang utak ng mga kabataan at maging masama ang ugali nila.

Hinimok naman ni Mharia ang iba pang magulang na ipakalat ang nasabing liham.
“Tulungan natin ang mga kabataan na maging progreso at matuto ng mas mahalagang gawain kesa mag ML. Kaya sana bigyan ito ng aksyong ng ating gobyerno bago lumala ang ating mga kabataan. Salamat sa pag aksyon!”

Hindi pa nagbibigay ng tugon ang Malacanang sa nasabing liham.

Dahil sa umuunlad na ang teknolohiya sa mundo ay mas madali ng naaabot ng mga kabataan ngayon ang pagkakaroon ng mga gadgets katulad ng smartphone.

Isa ang Pilipinas sa mga bansa na may pinakamaraming gumagamit ngayon ng smartphone kaya naman kada lingon mo ay may makikita kang gumagamit ng nasabing gadget.

Ayon sa isang artikulo mula sa Philippine News Agency ay sinabi ng psychology professor na si James Phillip Ray Pinggolio na hindi naman daw masama ang paglalaro ng mobile games, ngunit maari itong makaapekto sa ilang aspeto ng ating buhay.

Hinimok naman ni Pinggolio ang mga netizens na kung hindi nila makontrol ang kanilang pagkahilig sa mobile games at naapektuhan na nito ang kanilang buhay ay kumonsulta sila sa mga eksperto.

Facebook Comments