Home Celebrities ‘Egg Tray Queen’ na si Maricar Adriano, namigay ng itlog sa kanyang mga kapitbahay

‘Egg Tray Queen’ na si Maricar Adriano, namigay ng itlog sa kanyang mga kapitbahay

0
‘Egg Tray Queen’ na si Maricar Adriano, namigay ng itlog sa kanyang mga kapitbahay

Tila bumabawi na ngayon ang tinaguriang ‘egg tray queen’ na si Maricar Adriano ilang linggo matapos siyang sumikat sa social media dahil sa paninimot ng isang community pantry sa Pasig.

Sa isang video ng vlogger na si Maharlika ay ipinakita niya ang ipinakitang kabutihan ni Maricar sa kanyang mga kapitbahay sa pamamagitan ng pagbibigay niya ng itlog.

Matatandaan na naging viral ang litrato noon ni Maricar habang dala dala ang isang tray ng itlog sa community pantry ni Carla Quiogue.

Paliwanag ni Maharlika, dapat ay bigyan parin ng pagkakataon si Maricar na makabawi sa kanyang mga nagawa.

“Hindi po ito pagto-tolerate sa maling nagawa ngunit ito ay pagbibigay ng pag asa sa mga taong nadadapa at nagkakamali dahil minsan sa buhay natin ay nagkakamali tayo,” ani Maharlika.

“Natuto tayo sa ating pagkakamali, so si Maricar, maaring naging daan siya para mas madami po ang makatikim ng itlog,” dagdag niya pa.

Punto pa ng vlogger ay makikita naman sa lugar ni Maricar ang hirap ng kanilang buhay kaya naman hindi niya ito masisisi kung bakit nila nagawang simutin ang isang community pantry.

Dahil dito ay nagpadala siya ng mga itlog kay Maricar upang makita kung ano nga ba ang gagawin nito sa mga ibinigay sa kanya.

Todo pasalamat naman si Maricar sa kanyang mga natanggap kay Maharlika na ipinamahagi niya naman kagad sa kanyang mga kapitbahay.

“Thank you po ma’am Maharlika sa mga ibinigay niya, salamat po,” ani Maricar.

May mga netizens naman na pumiri sa ginawang kabutihan ni Maricar at pinayuhan siya na wag ng ulitin ang kanyang ginawa.

 

Facebook Comments