Home Celebrities Ogie Diaz hindi sinisisi si Angel Locsin sa pagkasawi ng matandang pumila sa community pantry ng aktres: “Kasalanan yan ng sitwasyon”

Ogie Diaz hindi sinisisi si Angel Locsin sa pagkasawi ng matandang pumila sa community pantry ng aktres: “Kasalanan yan ng sitwasyon”

0

Hati ang reaksyon ng ilang netizens sa naging pahayag ni Ogie Diaz tungkol sa pumanaw na senior citizen matapos pumila sa community pantry ng aktres na si Angel Locsin.

Matatandaan na nitong Abril 23 ay naging napalitan ng lungkot ang kaarawan ni Angel matapos pumanaw ang 67 anyos na si Rolando dela Cruz na isa sa mga nakipila upang makakuha sana ng libreng pagkain mula sa aktres.

Labis ang naging kalungkutan ng aktres at paulit ulit itong humingi ng tawad sa mga netizens dahil sa nangyari.

Isa ang showbiz writer at talent manager na si Ogie Diaz sa mga nagpakita ng suporta sa aktres.

Naniniwala si Ogie na hindi dapat sisihin ni Angel ang kanyang sarili sa nangyari dahil ang totoong may kasalanan sa pagkasawi ng matanda ay ang “sitwasyon” ngayon ng bansa.

Ayon kay Ogie ay nagsakripisyo daw ng buhay si dela Cruz para daw malaman ng gobyerno at taumbayan ang nangyayari.

“Angel, di mo kasalanan. Kasalanan yan ng sitwasyon.” ani Ogie.

“At nakatakdang magbuwis ng buhay si tatay para maiparating ang mensahe sa taumbayan at gobyerno,” dagdag niya pa.

Habang ang ibang netizens ay pabor sa pahayag ni Ogie, may ilan din ang hindi napigilan na batikusin ang talent manager dahil sa sinabi nito.

Isa na ang Officer-in-Charge ng Davao City Information Office na si Jefry Tupas sa mga bumatikos kay Ogie.

Tanong ni Jefry, paano nalaman ni Ogie ang mangyayari sa senior citizen.

“Hindi ko tuloy alam ngayon kung si Ogie Diaz ba ay si San Pedro,” ani Jefry.

“Hay nakow. Sino si Sitwasyon ? Pakihanap nga siya pala may kasalanan. Abay sampahan ng kaso si Sitwasyon!” sabi naman ni netizen Brenda Star.

Matatandaan na napatawad na ng pamilya dela Cruz si Angel at wala silang sinisi sa nangyari sa matanda.

Facebook Comments