Home Celebrities Asawa ni Yorme Isko na si Dynee Domagoso may mensahe: “Ang sipag sipag mo kasi magtrabaho, napasama ka tuloy”

Asawa ni Yorme Isko na si Dynee Domagoso may mensahe: “Ang sipag sipag mo kasi magtrabaho, napasama ka tuloy”

0

Binanatan ng asawa ng alkalde ng Maynila na si Isko Moreno ang mga kritiko ng kanyang kabiyak.

Sa isang Facebook post nagpakita ng suporta si Dynee Ditan Domagoso sa kanyang asawa na kamakailan lamang ay binanatan ng gobernador ng Cavite na si Jonvic Remulla.

Tila naging sarkastiko ang mensahe ni Dynee sa mga kritiko ng kanyang asawa at tinawag ang mga ito na ‘tamad’ at ‘inggitero’.

20963d5e9ab19dfd

Mensahe ni Dynee sa kanyang asawa, dapat ay magpahinga muna saglit ang alkalde para hindi masapawan ang ibang opisyal.

Isa si Isko sa mga pinuri sa social media dahil sa mga ginawa niya sa kanyang nasasakupan.

“Ayan fresh pa! Ang napakapogi at napakayabang kong asawa. Ang sipag sipag mo kasi magtrabaho. Napasama ka tuloy sa mga taong tamad at inggiterong pinanunuod ka lang. Pati dun sa mga magagaling at expertong manglait at manliit sa soc med, naku dalubhasa mga un!” ani Dynee.

“Rest ka din paminsan puro ka papogi eh matagal ka na pogi. Give chance to others kasi malayong malayo pa hahabulin nila sa kasipagan at kagwapuhan mo. Ok! Lab u,” dagdag niya pa.

Maliban pa kay Remulla ay nakisali narin ang Cavite Mayor’s League sa pambabatikos kay Isko na isa sa mga posibleng kandidato para pagka Pangulo sa susunod na taon.

Matatandaan kasi na tinawag na ‘loko-loko’ ni Isko ang alkalde ng Naic na si June C. Dualan dahil sa diumano’y hindi pamimigay nito ng ayuda sa mga taga Maynila na na-relocate sa kanyang nasasakupan.

“Style kasi ng trapong politiko yan, yung botante, hindi botante, tutal doon na sila nakatira, next time magparehistro na sila doon sa bayan na ‘yon, hindi dahil para iboto ‘yung loko-loko na ‘yun,” sabi ni Isko.

“Yorme, alam ng lahat ang ambisyon mong maging Pangulo. Wala namang isyu don. Libre mangarap ang kahit sino. Pero sana ay huwag mong tapakan ang iba para lamang umangat ka. Hindi ka pa nga Pangulo ay ang yabang mo na,” sagot naman ni Remulla.

Facebook Comments