Home Celebrities Yorme Isko Moreno binanatan ng Gobernador ng Cavite: “Hindi ka pa Pangulo ang yabang mo na!”

Yorme Isko Moreno binanatan ng Gobernador ng Cavite: “Hindi ka pa Pangulo ang yabang mo na!”

0

Hindi nagustuhan ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang mga pahayag ng alkalde ng Maynila na si Isko Moreno laban sa isang Mayor.

Sa kanyang pahayag, binanatan ni Moreno ang alkalde ng Naic, Cavite na si Jun Dualan kung saan ni-relocate ang ilang mga taga Maynila.

Hindi daw kasi binigyan ng ayuda ang mga ni-relocate dahil hindi naman daw sila botante ng Naic.

Ayon kay Moreno ay hindi nila ginawang pabayaan ang mga tao sa Maynila kahit na hindi sila botante doon.

“Dito sa Maynila, niyayakap namin kahit botante, and I hope they do the same,” ani Moreno.

Dito na naging maanghang ang mga naging pahayag ni Moreno laban kay Dualan na tinawag niya na ‘loko-loko’.

“Style kasi ng trapong politiko yan, yung botante, hindi botante, tutal doon na sila nakatira, next time magparehistro na sila doon sa bayan na ‘yon, hindi dahil para iboto ‘yung loko-loko na ‘yun,” sabi ni Moreno.

Pinagtanggol naman ni Remulla si Duala at ikinumpara ang kalagayan ng Maynila sa Naic.

Isinisi ni Remulla sa national government kung bakit hindi lahat ng mga galing Maynila at ngayo’y naninirahan na sa Cavite ay hindi nakatanggap ng SAP mula sa gobyerno.

Paliwanag niya, 2015 census ang pinagbasehan ng SAP kaya hindi kasama sa bilang ang mga lumipat na taga Maynila sa Naic.

Gumagawa din daw sila ng paraan para mabigyan ang mga nangangailangan sa Cavite kahit na kapos sila sa budget.

Binanatan din ni Remulla si Moreno at sinabi na gusto lamang nitong magpasikat dahil may ambisyon siyang maging Presidente.

“Yorme, alam ng lahat ang ambisyon mong maging Pangulo. Wala namang isyu don. Libre mangarap ang kahit sino. Pero sana ay huwag mong tapakan ang iba para lamang umangat ka. Hindi ka pa nga Pangulo ay ang yabang mo na,” ani Remulla.

“Hirap na hirap na nga kami dito, kami pa ang ginawa mong rason dahil sa pagka-atat mong sumikat. Sana, pag-aralan mo muna ang suliranin bago ka magpuputak ng walang kwenta.
Kung pagpapasikat lang ang gusto mo? Hindi mo kailangan mang-apak ng Caviteño,” dagdag niya pa.

“Wag kaming mga Caviteño ang pag-initan mo. Hindi ka namin uurungan.”

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Moreno tungkol sa banat sa kanya ni Remulla.

Facebook Comments