Home Celebrities Angel Locsin, binatikos ng ilang netizen dahil sa nagkagulong community pantry niya

Angel Locsin, binatikos ng ilang netizen dahil sa nagkagulong community pantry niya

0

Inulan ng batikos si Angel Locsin mula sa ilang netizens matapos dumugin ng tao ang kanyang community pantry na itinayo sa Barangay Holy Spirit, Quezon City nitong Abril 23.

Matatandaan na pinilahan ng madaming tao ang nasabing pantry ng aktres at mayroon pang naiulat na nasawi.

Ilan sa mga bumatikos kay Angel ay ang kilalang vlogger na si Byron “Banat By” Cristobal kung saan pinuna niya ang diumano’y pagiging “pabida” ng aktres.

“Dahil masyado kang PABIDA ayan may tigok! Next time tulong nalang wag na pabida!” ani ng blogger.

Pinakita din niya ang pag anunsyo ni Angel ng kanyang community pantry kahapon.

Pinuna din ng radio host na si Mark Lopez ang mga pahayag ni Angel kung saan ipinaliwanag ng aktres na hindi niya aakalain na madami ang pupunta sa kanyang community pantry.

Paliwanag kasi ni Lopez, sikat na personality si Angel at inanunsyo niya pa ang kanyang community pantry isang araw bago ito mangyari.

 “Unang una, NAG ANUNSYO KA SA SOCIAL MEDIA mo na MILYON ang following na mag se-set up ka ng Community Pantry sa birthday mo. Nag annouce ka the day before.  IN PUBLIC. In your socmed with MiLLIONS of following.
Nilagay mo pa nga ang exact address ng CP mo. Tapos, hindi mo ine-expect na dudumugin ang pa-birthday mo?” ani Lopez.

Pinaalala pa ng radio host na may kumakalat na sakit ngayon kaya’t posibleng lumabag din si Angel sa protocols.

“Kung gusto mo talaga tumulong, puede naman ikaw na lang ang nag bahay bahay. Pero gumawa ka pa ng super spreader na event? Bukad kay Lolo na namatay, ilan pang buhay ang nilagay mo sa alanganin?” sabi pa niya.

Humingi na ng tawad si Angel sa nangyari at sinabi na hindi niya ginusto ito.

“Sa lahat po ng naabala ngayon, pasensya na po. Hindi po ito talaga ang intensyon natin. Kahit anong paghahanda namin para ma-avoid yung gantong gulo, hindi lang talaga siya ma-control kahit na nandito na yung munisipyo, military, pulis, barangay,” ani Angel.

Facebook Comments