Handa na diumano si Julia Barreto na iwanan ang show business para sa kanyang nobyo na si Gerald Anderson.
Sa kanilang vlog, ibinahagi ni Julia na pinangarap niya na mamuhay ng simple at malayo sa kanyang kinagisnan na buhay.
Habang nag uusap sila ay kumakain din sila ng Filipino street food na unang beses lamang daw masusubukan ni Julia.
“I always dream of living a simple quiet life, a family life. Because at an early age, I was already exposed to this life. It was like the only life that I knew so I felt like that’s where I gonna end up, now, but in the future, a simple quiet life is what I dream,” ani Julia.
Pabiro ring sinabi ni Julia na kahit sa susunod na taon ay handa na siyang bumuo ng pamilya.
Madami naman ang kinilig sa ginawang vlog ng dalawa.
“She must have loved you for trying those food. You can tell na mgkaiba kayo ng pinagmulan estado ng buhay. Hopefully sya na ang makatuluyan mo despite of everything happens on your past she fully accepted you and ignored all the dramas of people throwing at you,” sabi ni Nash from Taytay Rizal.
“I’m starting to like this couple. 8 years yung age gap but I think they really complement each other. I feel like mas bagay din talaga sa personality ni Julia ang older guy,” ani Ally Jimenez.
“He looks very at ease with her among all of his X’s. Looks like there relationship will go further. I like Julia’s simplicity she is so natural,” comment pa ni Maricor Hernando.
Matatandaan na naging kontrobersiyal si Gerald at Julia matapos itong umamin sa kanilang relasyon.
Pinaghihinalaan kasi na si Julia ang dahilan kung bakit naghiwalay si Gerald at ang kanyang ex-girlfriend na si Bea Alonzo na hanggang ngayon ay sinasabi na iniwan siya sa ere ng aktor.