Egg Tray Queen, hinimok ang may ari ng community pantry nkanilang sinimot na si Carla Quiogue na mag sorry sa kanila

0

Dumulog na sa kanilang barangay ang tinaguriang “Egg Tray Queen” ng Pasig na si Maricar Adriano dahil sa mga natatanggap niyang batikos matapos niyang simutin ang isang community pantry sa kanilang lugar.

Sa panayam ng News5, makikita ang pagsasampa ng reklamo ni Maricar laban sa diumano’y nag record ng video habang sinisimot nila ang community pantry na pagmamay-ari ni Carla Quiogue.

Cyber-libel ang isasampang reklamo ng grupo nila laban sa tricycle driver na source diumano ng video.

“Sasampahan po namin siya ng kaso kasi grabe nga ho ‘yung nangyari sa amin,” sabi ni Maricar.

Hiniling niya din na mag public apology ang may ari ng community pantry na si Carla sa kanila at pagharapin sila ng mamamahayag na si Raffy Tulfo.

“Gusto po namin siyang makaharap ng personal, kaming dalawa,” sabi niya.

“Sana mag public apology din siya sa amin dahil sobra na kaming naapektuhan lalo na ako, pati anak ko na maliliit,” dagdag niya pa.

Iginiit din nila na hindi sila magnanakaw katulad ng sinasabi sa kanila ng iba.

Kwento kasi nila ay ngayon ay kahit saan sila pumunta ay tinatawag sila na magnanakaw ng mga tao.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Carla kung tatanggapin niya ba ang hamon ni Maricar.

Facebook Comments
Previous articleMga babae na sumimot ng isang community pantry may banat muli sa netizens: “Di po nila alam ang buong istorya”
Next articleRaffy Tulfo, may mensahe sa mga nagbabanta sa ‘eco girls’: “nag promise po ako sa kanya, kayo po ay madedemanda”
Rodrigo Extramadura is a Computer Engineering graduate who found his real passion in writing and following the daily happenings in the country.