Home Celebrities Mga babae na sumimot ng isang community pantry may banat muli sa netizens: “Di po nila alam ang buong istorya”

Mga babae na sumimot ng isang community pantry may banat muli sa netizens: “Di po nila alam ang buong istorya”

0
Mga babae na sumimot ng isang community pantry may banat muli sa netizens: “Di po nila alam ang buong istorya”

May panibagong mensahe ang tinaguriang mga “Reyna ng Egg Tray” sa mga netizens.

Sa isang panayam ng News5, ikinalungkot nila Maricar Adriano at Shawi Delos Reyes ang batikos na kanilang natanggap mula sa netizens matapos nilang simutin ang isang community pantry sa Pasig City.

Ayon sa pinaka popular na miyembro ng grupo na si Maricar ay yung mga tira lang naman sa community pantry ang kanilang sinimot at marami parin ang nakatanggap maliban sa kanila.

Reklamo niya pa, isa siya sa mga taong hindi nakakuha ng ayuda mula sa gobyerno.

“Hindi kami nakakuha. Sino ba namang tao hindi naman kukuha ng ganoon? Ang pagkakamali lang namin doon sinimot namin ‘yun, eh marami naman din kaming nabigyan. Tsaka bago ‘yun, ‘yung pinost niya na ‘yun, punung-punu yung lamesa na ‘yun, may iba ngang kumuha noon dahil noong pagkaano namin dun, pagkakuha namin dun, kakaunti na lang ‘yun,” ani Maricar.

Hindi rin nagustuhan ni Shawi ang mga paratang laban sa kanila.

Iginiit niya na hindi alam ng mga netizens ang istorya sa likod ng paninimot nila sa community pantry.

“Syempre nasasaktan. Dapat di nalang sila nagsasalita ng ganun. Di po nila alam ang buong istorya, ‘yun lang po.”

Matatandaan na naging sikat sa social media sila Maricar at Shawie dahil narin sa huling huli sila sa ilang footage habang sinisimot nila ang community pantry na inumpisahan ni Carla Quiogue.

“Hindi lang ‘yung pamilya nila o hindi lang ‘yung street nila ‘yung mga nagugutom. Marami sanang gustong kumuha pero ‘yun nga, di nakakuha kasi kinuha nila lahat,” sabi ni Carla.

Depensa naman ng grupo, kaya nilang isoli ang kanilang kinuha sa community pantry.

“Kaya naming isauli yan! Kung ganyan lang din lang na ilalabas niyo sa social media,” hamon ni Shawie.

Facebook Comments