Home Social Media Mga sumimot ng isang community pantry sa Pasig, pinagtanggol ang kanilang sarili: “Ipapamigay lang namin sa kapitbahay”

Mga sumimot ng isang community pantry sa Pasig, pinagtanggol ang kanilang sarili: “Ipapamigay lang namin sa kapitbahay”

0

Viral sa social media ang isang grupo ng mga babae na huling huli sa camera habang sinisimot ang isang community pantry sa Pasig City.

Nangyari ang insidente noong martes kung saan ay makikita sa ilang video ang anim na babae na dali daling sinimot ang isang community pantry na ang adhikain ay makatulong sa mga nangangailangan.

Kanya kanyang dampot ang mga nasabing babae na may mga dala dala pang lalagyan na para bang planadong planado ang kanilang ginawa.

Kwento naman ni Carla Quiogue na nagtayo ng nasabing community pantry, biniro niya pa ang mga babae at sinabi na nakalimutan nilang dalhin pati ang lamesa ng pantry.

Paliwanag naman daw ng mga babae ay ibibigay lang daw nila ang kanilang nakuha sa kanilang mga kapitbahay para hindi na sila pumunta sa community pantry.

“Tinawag ko pa nga po sila, sabi ko nakalimutan nila ‘yung lamesa kasi wala na talaga silang tinira. Sabi lang nila, ‘Ibibigay na lang po namin ‘to sa mga kapitbahay namin.’ Sabi ko sa kanila, ‘puwede namang sila na lang pumunta rito kung kailangan din ng mga kapitbahay n’yo,'” kwento ni Quiogue.

Wala ng nagawa pa si Quiogue kaya idinaan niya na lamang sa isang Facebook post ang kanyang nararamdaman.

Madami naman ang nagmagandang loob na siya ay tulungang mapagpatuloy ang kanyang community pantry.

Naging viral ngayon sa social media ang mga community pantry dahil narin sa madami ang nangangailangan ngayon ng tulong.

Dito rin nasubukan ang bayanihan spirit ng mga Pilipino dahil kahit na kapos ay may ilan parin ang mas piniling tumulong at mag ambag sa mga community pantry.

Facebook Comments