Home Celebrities Isang ginang, pinag iisipan kung itutuloy pa ang kanyang community pantry sa Caloocan dahil sa sinimot ito kagad ng mga nakapila

Isang ginang, pinag iisipan kung itutuloy pa ang kanyang community pantry sa Caloocan dahil sa sinimot ito kagad ng mga nakapila

0

Isang ginang ang nagdadalawang isip na ngayon kung ipagpapatuloy ang kanilang community pantry sa Caloocan dahil sa napakabilis nitong pagkaubos.

Ayon sa kwento ng nagtayo ng community pantry na si Myrna Mercado, ginusto talaga nilang gayahin ang bayanihan na isinasagawa ngayon sa iba’t ibang parte ng Maynila.

Ngunit ng magtayo sila ng community pantry ay nagulat sila sa dami ng biglang pumila.

175193632 790235938592620 5864778504462826324 n

Kwento niya, ilan sa mga pumila ay buong mag anak, may ilan pang pabalik balik at mayroon din na kumuha ng isang tray ng kanilang itlog.

175483076 446238643137192 3202806785576615711 n

“Sa ngayon nag iisip pa kami kasi gusto namin tumulong kaso yung iba talagang nagsamantala san ka nakakita buong pamilya nakapila san ka nakakita isang tray na itlog kinuha san ka nakakita na talagang bumabalik balik sila sa pila so pano mo pa ulit gagawin kung yung iba niloloko lang yung mga tumutulong nakakadala diba parang game is over,” ani Mercado.

176031340 312910930190517 5711877608097480072 n

Sa isang video na kanilang ipinasa sa social media ay makikita na wala na sa ayos ang community pantry nila at may ilan na sumisingit na sa pila.

Sa ngayon ay desidido parin nilang itayo ang kanilang community pantry ngunit hindi nila sigurado kung magtatagal ito.

Sa iba pang katanungan, maari niyo lamang padalhan ng mensahe si Ms. Myrna Mercado.

Matatandaan na nag viral din kanina sa social media ang ilang kababaihan na sinimot ang isang community pantry sa Pasig.

Paliwanag naman ng mga sumimot ay gusto lamang nilang ipamahagi ang kanilang nakuha sa kanilang mga kapitbahay.

Ngunit itinanggi naman ng mga kapitbahay ng mga babae na nakatanggap sila ni isang itlog sa grupo.

 

Facebook Comments