Home Celebrities Isang babae na kasama diumano sa sumimot ng isang community pantry sa Pasig, nagsalita na: “

Isang babae na kasama diumano sa sumimot ng isang community pantry sa Pasig, nagsalita na: “

0
Isang babae na kasama diumano sa sumimot ng isang community pantry sa Pasig, nagsalita na: “

Hindi na nakapagpigil ang isa sa mga babae na ngayo’y sikat na sikat sa social media matapos mahuli na habang sinisimot ang isang community pantry sa Pasig City.

Sa ilang kumakalat na screenshot sa social media, nagpakilala ang isang nagngangalang Maricar at inangkin na isa siya sa mga sumimot sa nasabing community pantry na pagmamay-ari ni Carla Quiogue.

Ayon sa kanya ay hindi naman daw para sa kanila ang kanilang mga kinuha kundi para sa kanilang mga kapitbahay na kapos palad.

“Isa po ako dun sa kumuha bago po sana kayo mag bitaw ng salita isipin muna natin. Kasi hindi naman po sinarili yan. Actually namigay din kami sa mga kapit bahay namin. Hindi po napunta samin lahat yan. Tanong lang po kung sa inyo may ganyan magbibigyan niyo po ba kami?” banat ni Maricar.

“Kahit nga po hindi kami naabutan ng galing sa inyo hindi po kami nag sasalita ng masakit, isipin niyo po yun salamat parin po. Dahil alam din po ng nag bigay na nag share din kami kaya wag na po tayo magsalita ng bad!” dagdag niya pa.

Screenshot mula sa isang contributor
Screenshot mula sa isang contributor

Ngunit ayon sa isang report ng GMA-7 ay hindi naman daw nabigyan ang mga kapitbahay na sinasabi ni Maricar kaya naman nagtataka sila kung bakit pati sila ay nadamay sa isyu.

May isang netizen naman ang nag share ng diumano’y pag uusap nila ni Maricar.

Hindi naman naging maganda ang ending ng kanilang pag uusap at nagbanta pa si Maricar na ipapakulam niya ang netizen.

“Good luck sayo ako hinamon mo tignan natin ano mangyayari sayo dahil sa mga sinasabi mo humanap ka na ng albularyo mo,” sabi ni Maricar sa nasabing pag uusap.

Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang ibang babae na nakuhanan sa video.

 

 

Facebook Comments