Home Celebrities Yam Concepcion, inamin na matagal niya ng gustong makatambal si Gerald Anderson sa isang palabas

Yam Concepcion, inamin na matagal niya ng gustong makatambal si Gerald Anderson sa isang palabas

0
Yam Concepcion, inamin na matagal niya ng gustong makatambal si Gerald Anderson sa isang palabas

Inamin ng aktres na si Yam Concepcion na matagal niya ng pinapangarap ang maging katambal ang aktor na si Gerald Anderson.

Natupad naman ang hiling ni Yam ng maging katambal niya si Gerald sa palabas ngayon ng ABS-CBN na “Init sa Magdamag” kung saan ay maiinit na scenes ang kanilang ginagawa.

Ayon sa kanya ay siyam na taon niyang inasaham ang pagkakataon na mangyari ito.

Nakita ng ilang netizens ang panayam noong 2012 kay Yam kung saan ay sinabi nito na gustong gusto niyang makatambal si Gerald.

Matatandaan na ilang beses binalaan ng mga netizens si Yam na mag ingat kay Gerald dahil daw sa pagiging ‘babaero’ nito.

Ngunit kumpiyansa naman si Yam na walang gagawing masama sa kanya si Gerald.

“Siyempre nakikita nila sa TV, sinasabi nila, ‘Naku, matinik sa babae ‘yan! Hindi loyal.’ Hindi, e. ‘Pag katrabaho mo si Gerald, he’s very professional at saka very gentleman. Hindi niya pinaramdam sa akin na may mali siya.” paliwanag ni Yam.

“It’s just purely work. Despite being purely work, naparamdam niya sa akin ‘yung emosyon na totoo. I still felt his honesty bilang si Tupe, ‘yung character niya,” dagdag niya pa.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang nobya ni Gerald na si Julia tungkol sa tambalan ng kanyang nobyo at ni Yam.

Facebook Comments