Home Celebrities Vice Ganda, pinag aaralan na ang pagsasampa ng kaso kay Buknoy Glamur dahil sa mapanira nitong pahayag

Vice Ganda, pinag aaralan na ang pagsasampa ng kaso kay Buknoy Glamur dahil sa mapanira nitong pahayag

0
Vice Ganda, pinag aaralan na ang pagsasampa ng kaso kay Buknoy Glamur dahil sa mapanira nitong pahayag

Hindi biro ang pinagdadaanan ngayon ng vlogger na si Buknoy Glamur matapos ang kanyang mga pahayag laban kay Awra Briguela, Vice Ganda at Ion Perez.

Napapabalita kasi na pinag aaralan ng kampo ni Vice ang pagsasampa ng kaso laban kay Buknoy dahil sa pahayag nito na ang nobyo daw ng komedyante na si Ion Perez ay nagkaroon daw ng relasyon kay Awra.

Sa isang panayam, sinabi ni Awra sinabi niya na nakausap niya daw si Vice tungkol sa sinabi ni Buknoy sa isang live video kasama ang kanyang kaibigan na si Gabo Adeva.

“Nung nakita ko yung video minessage ko agad kay meme at sabi niya kinakausap na niya yung lawyers for the possible cases for that, and hindi pa ito yung time for me to speak up kasi I’m not knowledgeable enough to speak up of now,” sabi ni Awra.

Dahil sa nangyari ay humingi ng tawad si Gabo at Buknoy sa social media.

“Gusto ko rin po humingi ng sorry kay Awra sa mga binitawan kong laos, o kung bakit ka binitawan ni Meme. Kay Meme Vice na nasabihan ko ng mga mali na hindi kaaya-aya, ‘tsaka kay Ion, sorry po sa mga nasabi ko na hindi niyo nagustuhan. Sana mapatawad niyo ako,”ani Buknoy.

Dahil sa kanilang ginawa, mag mumulta si Buknoy at Gabo ng 100,000.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kapamilya Online World (@kowalerts)

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Awra at si Vice matapos humingi ng tawad si Buknoy.

 

Facebook Comments