Home Celebrities Regine Velasquez at Ogie Alcasid, pinuna matapos silang magpabakuna: “

Regine Velasquez at Ogie Alcasid, pinuna matapos silang magpabakuna: “

0
Regine Velasquez at Ogie Alcasid, pinuna matapos silang magpabakuna: “

Pinuna si Regine Velasquez at Ogie Alcasid ng ilang netizens matapos nilang i-anunsyo ang kanilang pagpapabakuna.

Sa kanilang Instagram post, inanunsyo ni Ogie ang pagpapabakuna nila ng kanyang asawa dahil daw siya ay may comorbidity kaya naman kasama sila sa mga priority ng gobyerno para mapabakunahan.

“Kaming mag asawa ay may comorbidity kaya nakakuha po kami sa QC ng slot at kami ay napabakunahan na,” sabi ni Ogie sa kanyang Instagram post.

Nag umpisang punahin ng mga netizens si Ogie at Regine ng mag post ang blogger na si MJ Quiambao Reyes kung saan ay nag post siya ng mensahe na “This is what Pinabayaan looks like”.

Maaring tugon ito ni MJ sa mensahe noon ni Regine kung saan ay inirereklamo nito ang tila pagpapabaya sa mga tao.

“Bakit parang pinabayaan na lang tayo? Kanya kanya matira matibay ganon na lang ba talaga? Every single day may nalalagas sa atin. What’s happening??” tanong ni Regine.


Kinuwestiyon ng ilang followers ni MJ ang pagkakalagay nila Ogie at Regine sa priority list.

“I thought 1st for frontliners then after 65yrs old and above .. thats how it worked here in the States .. no excuses, no celebrities .. all were equally handled here,” ani Ireneelsa Tata.

“Ang kapal ng mag-asawang ogie and regine at yung iba pang mga celebrities na panaybbatikos sa gobyerno. mas nauna pa kesa sa mga tunay na nangangailangan ng bakuna. walang konsensya!!!!!!!!!!!!!!” sabi ni Reeves Bisai Sagario.

“Lagi nasa balita ni minsan di nyo nabanggit na may sakit kayo. Tapos nung bakunahan na bigla bigla may comorbidity na kaya naunang turukan? Ni hindi man lang kayo magpasalamat after,” komento ni Librado Pecjo.

Hindi naman binanggit ni Regine o Ogie kung ano ang kanilang karamdaman.

Facebook Comments