Binunyag ni Puwersa ng Bayaning Atleta Rep. Jercho Nograles ang diumano’y pagkakasali ng mga Pilipinong matagal ng pumanaw, mga menor-de-edad ang mga nakatira na sa abroad sa listahan ng beneficiaries ng financial aid sa Greater Metro Manila Area.
Sa kanyang pahayag, hinimok ni Nograles ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Commission on Audit (COA) para imbestigahan ang listahan ng mga beneficiaries.
Nababahala si Nograles dahil kung totoo man ito ay napakadaming hindi qualified na Pilipino ang nakatanggap ng nasabing cash aid.
“It is easy to suspect and surmise, but it is the duty of the government to find out why and how did this happen,” ani Nograles.
“The list should be carefully looked into. I hope the DSWD can defend the listing because technical malversation and malversation of public funds is a serious crime that must be reported,” dagdag niya pa.
Ayon naman kay DILG Spokesperson Jonathan Malaya, 31% pa lamang ng pera na ibinigay ng gobyerno sa mga LGU ang naipamahagi sa mga nakalista sa ayuda.
Binibigyan lamang ngayon ng 15 na araw ang mga LGU para maipamahagi ang mga ayuda, ngunit humiling ang ilang opisyal ng gobyerno na i-extend ito.
Pinag aaralan na ito ng DILG kung tutuparin ba nila ang hiling ng ilang LGU officials.
Matatandaan na naging kontrobersiyal ang pamamahagi ng ilang ayuda sa iba’t ibang lugar sa Luzon.
Madami din ang nalito dahil ang iba daw ay 1,000 lamang ang nantanggap kahit na mahigit isa sila sa kanilang pamilya.
May ilan pa na inirereklamo ang kay dami daming requirements na hinihingi ng mga LGU para makakuha sila ng ayuda.
Samantala ay hinimok naman ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman, Greco Belgica ang mga netizens na i-report ang mga katiwalian sa kanilang lugar sa gitna ng pamimigay ng ayuda.
Maari lamang daw magpasa ng mensahe sa numerong 09066927324 o email sa [email protected]