Home Celebrities Isang community pantry, huling huli sa camera habang sinisimot ng anim na babae

Isang community pantry, huling huli sa camera habang sinisimot ng anim na babae

0
Isang community pantry, huling huli sa camera habang sinisimot ng anim na babae

Huling huli sa camera ang ilang kababaihan habang sinisimot ang isang community pantry sa hindi pa malamang lugar.

Hindi sinunod ng mga nasabing babae ang batas sa mga community pantry kung saan ay sinasabi na “Kumuha lamang ng naayon sa iyong pangangailangan” dahil sinimot nila lahat ng nakalagay sa nasabing pantry.

Lungkot na lungkot naman ang may ari ng community pantry na hindi na natin papangalanan.

“Just when I thought na solid mga pinoy sa tulungan. May isang group ng babae na tinangay lahat pati dalawang tray ng itlog. Walang tinira. Sana talagang yun yung kailangan nila,” sabi ng netizen.

Mabuti na lamang at maraming netizen ang nagmagandang loob na magbigay ng tulong sa may ari ng nasabing community pantry kaya naman tuloy ang kanilang pamimigay.

“Itutuloy po namin ang community pantry tomorrow. Marami nang nagmessage para mag contribute,” dagdag niya pa.

Umabot na ng libo libong shares ang nasabing post.

Naging viral ngayon sa social media ang mga community pantry dahil narin sa madami ang nangangailangan ngayon ng tulong.

Dito rin nasubukan ang bayanihan spirit ng mga Pilipino dahil kahit na kapos ay may ilan parin ang mas piniling tumulong at mag ambag sa mga community pantry.

 

Facebook Comments