Home Celebrities Ellen Adarna, ibinahagi ang kanyang gagawin kung sakali man na lokohin siya ng kanyang fiancé na si Derek Ramsay

Ellen Adarna, ibinahagi ang kanyang gagawin kung sakali man na lokohin siya ng kanyang fiancé na si Derek Ramsay

0
Ellen Adarna, ibinahagi ang kanyang gagawin kung sakali man na lokohin siya ng kanyang fiancé na si Derek Ramsay

Ibinahagi ng aktres na si Ellen Adarna ang kanyang gagawin kung sakali man na lokohin siya ng kanyang fiancé na si Derek Ramsay para sa ibang babae.

Sa kanyang Instagram story, sinagot ni Ellen ang katanungan na “If Derek cheats on you, will you forgive and still accept him?”.

Agad naman itong sinagot ni Ellen at sinabi na hinding hindi niya mapapatawad si Derek kung sakali man na lokohin siya nito.

“No!, no, no, no,” sagot ni Ellen habang tinitignan ang kanyang fiancé.

Pumalag naman ang aktor at sinabi na hinding hindi niya lolokohin si Ellen.

“No, I will not cheat on you. Why talk about negativity?” tanong ni Derek.

Hindi maiwasan ng mga tao na magduda kay Derek lalo na’t madami ng dumaan na babae sa kanyang buhay.

Matatandaan na noong nakaraang taon lamang ay naging karelasyon ni Derek ang aktres na si Andrea Torres at napag usapan narin nila noon ang pagpapakasal.

Ngunit naghiwalay din ang dalawa at nito ngang Enero ay naging magkarelasyon naman si Derek at Ellen.

“May relasyon kami, oo. It’s just nagkakilala kami, from the dinner, everyday, workout,” pag amin noon ng aktor.

Ginulat din ng dalawa ang publiko matapos mag propose ang aktor kay Ellen kahit na ilang buwan pa lamang silang magkarelasyon.

Nakatakdang ikasal ang dalawa ngayong taon.

Facebook Comments