Home Celebrities Ruby Rodriguez, emosyonal sa video greeting sa kanya ng anak ni Bossing Vic Sotto na si Baby Tali

Ruby Rodriguez, emosyonal sa video greeting sa kanya ng anak ni Bossing Vic Sotto na si Baby Tali

0

Hindi maitatanggi na nami-miss na nga ng dating Eat Bulaga host na si Ruby Rodriguez ang kanyang mga kasamahan sa show business.

Sa isang video greeting, kinamusta ng anak ni Vic Sotto na isa sa mga main host ng Eat Bulaga si Ruby.

Inaanak ni Ruby si Tali Sotto kaya naman naging emosyonal ang host dahil hindi siya nakakalimutan ng anak ni bossing.

“Hi, Ninang Ruby. I miss you. I love you,” ani Baby Tali.

Ibinahagi naman ni Ruby ang nasabing video greeting sa kanyang Instagram.

“When u know you are loved. I love you baby… i miss and ur mom @pauleenlunasotto sooo much that my heart aches and cries. I yearn for your laughter and smile. My dearest friend for everything Thank you I love you.” sabi niya.

Matatandaan na dumaan sa madaming pagsubok si Ruby, isa na dito ay ang pagpanaw ng kanyang kapatid na si Dr. Sally Gatchalian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruby Rodriguez (@rodriguezruby)

Kumalat din ang ilang balita na nagkaroon ng tampuhan sa pagitan ni Ruby at ng Eat Bulaga dahil sa sagot noon sa isang fan na tinatanong kung bakit wala siya sa nasabing noontime show.

“Sila tanungin mo,” sagot ni Ruby.

Isinugod din noon ang komedyante sa ospital at kinailangan dumaan sa isang operasyon.

Hindi pa malaman kung kailan babalik muli sa telebisyon si Ruby.

Facebook Comments