Home Celebrities Buknoy Glamur, sinabi na nagalaw na daw ng boyfriend ni Vice Ganda si Awra Briguela sa taping

Buknoy Glamur, sinabi na nagalaw na daw ng boyfriend ni Vice Ganda si Awra Briguela sa taping

0

Pinalagan ni Awra Briguela ang mga akusasyon laban sa kanya ng vlogger na si Buknoy Glamur.

Sa isang live video kasama ang kanyang kaibigan na si Gabo Adeva, makikita si Buknoy habang ginagaya si Awra.

Dito na nagsalita si Buknoy ng kung ano ano tungkol sa pagbitaw diumano ng komedyanteng si Vice Ganda kay Awra.

Binanggit din ni Buknoy ang nangyari daw kay Awra at sa boyfriend ni Vice na si Ion Perez sa isang taping.

“Nagalaw ka na ba ni Ion?” tanong ni Gabo.

“Oo, sa loob ng dressing room no. 5,” sagot ni Buknoy habang nagpapanggap na si Awra.

Hindi naman umatras si Awra sa panibagong akusasyon laban sa kanya.

“Pinaka ayoko sa lahat yung may nadadamay na ibang tao,” sabi ni Awra.

Ibinahagi din ni Awra ang isang tweet kung saan ay sinasabi na labag na sa batas ang ginagawa ni Buknoy.

If you truly care about vice, ion, and /or awra, you will take the proper action against this. Hindi lang siya nagpapapansin, what buknoy did damages the artists and their reputation,” sabi ng netizen.

Hindi naman pinansin ni Ion at Vice ang nasabing akusasyon ni Buknoy.

“Masyado ng problemado ang mundo para isipin pa namen kayo! Walang galit na nararamdaman bagkos naawa!” sabi ni Ion sa kanyang social media post.

Pero may ilan ding balita na kinakausap na ni Vice ang kanyang legal team para aksyunan ang ginawa ni Buknoy.

“Yun lang ang assurance na maibibigay namin sa inyo, aware na si meme (vice) sa mga nangyayari,”

Facebook Comments