Home Celebrities Jayzam Manabat, gigil na gigil sa akusasyon laban sa kanya, handang ipakita ang CCTV footage ng totoong nangyari

Jayzam Manabat, gigil na gigil sa akusasyon laban sa kanya, handang ipakita ang CCTV footage ng totoong nangyari

0

Hindi na nakapagpigil pa si Jayzam Manabat ng grupong Jamill at binanatan nito ang mga akusasyon laban sa kanya ng isang babae na diumano’y naging kalambingan niya sa isang resort sa Nueva Ecija.

Naging usap usapan ngayon sa social media ang diumano’y kataksilang ginawa ni Jayzam sa kanyang nobya na si Camille Trinidad.

Sa kanyang Instagram post, makikita ang pangigigil ni Jayzam matapos kumalat ang nasabing akusasyon laban sa kanya.

Kumpiyansa ang nasabing vlogger na kaya niyang patunayan ang kanyang pagiging inosente.

Handa rin siya na ipakita ang CCTV footage ng nangyari sa resort upang patunayan na wala siyang ginagawang masama.

“Wala na kong ibang sasabihin pa, kasi sya naman nag sisira sa sarili niya. Ginagawa nyang t***a yung tao, akala nya siguro di marunong mag isip at mag analyze yung netizens. Hindi ako nandito para mag malinis o kung ano man. Napag usapan na din namin ni Camille ang lahat.” ani Jayzam.

“Humihingi ako ng CCTV copy, pag nakuha natin to. Tapos ang usapan,” dagdag niya pa.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang nasabing resort kung may hawak nga ba silang footage na magpapatunay ng pagiging inosente ni Jayzam.

Ibinahagi ito ni Jayzam, ilang oras matapos maglabas ng kanyang pahayag ang nobya na si Camille kung saan ay tila litong lito na ang vlogger sa mga nangyayari.

Matatandaan na nag viral ang isang babae kung saan ay ikinuwento nito ang ginawa sa kanya ni Jayzam sa isang resort.

Mismong ang babae din na ito ang kumausap kay Camille tungkol sa ginawa ni Jayzam.

Ngunit hindi naging maganda ang katapusan ng pag uusap ng dalawa.

Dito na nagkwento si Camille ng kanyang karanasan kay Jayzam at sa pinsan nito na diumano’y puno’t dulo ng kanilang problema.

 

Facebook Comments