Home Celebrities Camille ng Jamill nagsalita na matapos kumalat ang isyu ng pambabae ng kanyang nobyo na si Jayzam

Camille ng Jamill nagsalita na matapos kumalat ang isyu ng pambabae ng kanyang nobyo na si Jayzam

0

Napamura na lamang si Camille Trinidad ng Youtube loveteam na Jamill matapos kumalat ang istorya tungkol sa kataksilan ng kanyang boyfriend na si Jayzam Manabat.

Kumalat nitong mga nakaraang araw ang pag usapan tungkol sa diumano’y ginawang kataksilan ni Jayzam sa isang resort sa Nueva Ecija.

Nagpakita pa ang nasabing netizen ng litrato bilang patunay sa kanyang istorya.

Dito na nag kwento ang babae na nasa kasama si Jayzam at sinabi na nagkaroon nga ng inuman sa pagitan nila ng vlogger.

Nakilala ang babae na si Maria Angelica Diaz at sinabi na kahit siya ay nagulat sa ginawa ni Jayzam sa kanya.

Kinausap din daw ni Maria Angelica si Camille upang aminin ang nangyari, ngunit hindi daw naging maganda ang usapan nila.


Dito na nagsalita si Camille at tila hindi nito nakayanan ang biglang pagkalat ng isyu.

“Sobrang sakit na punong puno nako buong buhay ko wala akong ginawa kundi sumuporta magmahal pero ano isusukli niyo? Saktan ako?” ani Camille.

Dito narin nag kwento si Camille tungkol sa lagay ng relasyon nila noon ni Jayzam noong pumunta ang kanyang nobyo sa nasabing resort.

Ibinintang din ni Camille sa pinsan ni Jayzam kung bakit tila naging babaero ang kanyang nobyo.

“Sana next time bago nyo gawin isipin nyo muna yung sakit na dadalhin ng tao, yung sakit na hindi madaling kalimutan. Oo walang perpekto alam natin yan. Pero mahal ko yung tao at hindi ko sasayangin yung kung anong binuo namin simula umpisa. God knows nag papasalamat ako kasi lumabas din lahat. Kaya siguro hindi ako mapakali palagi kasi may ganito pala. Mabait padin saakin ang Diyos kasi nalaman ko lahat. Hindi ko na ito ivinideo kasi hindi ko kaya. Sa sobrang bigat,” sabi ni Camille sa kanyang post.

Libo libong netizens naman ang nagpakita ng suporta kay Camille sa gitna ng pinagdadaanan niya ngayon.

Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag si Jayzam tungkol sa mga nangyayari.

Facebook Comments