Home Celebrities Kuya Kim Atienza, may mensahe sa mga netizens na ipinagdadasal na may mangyari sa Pangulo: “

Kuya Kim Atienza, may mensahe sa mga netizens na ipinagdadasal na may mangyari sa Pangulo: “

0

Mismong ang ABS-CBN host na si Kim Atienza o mas kilala bilang Kuya Kim ang nagsabi sa kanyang mga followers na huwag magdasal ng masama para sa kanilang kapwa.

Matatandaan na inuulan ngayon ng batikos si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa iba’t ibang isyu na kinakaharap ngayon ng bansa at umabot pa nga sa punto na may ilan na nagdasal na sana’y masawi na lamang ang punong ehekutibo.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Kuya Kim na kahit ano pang opinyon ng tao tungkol sa Pangulo ay dapat hindi nila ito iniisipan ng masama.

“Regardless of how we feel about President Duterte and his administration, we must continue to pray for his well-being. To wish him or anyone ill is not Christian,” ani Atienza.

Binanggit niya rin ang isa bersikulo mula sa bibliya tungkol sa pagmamahal sa kapwa.

“A new command I give you: Love one another. As I have loved you, so you must love one another. Jesus gave His life for me but I don’t deserve it. We are to do the same for others, much more our leaders that we are to honor.” 

Pumabor naman ang ilang netizens sa sinabing mensahe ni Kuya Kim.

“I agree with you Kuya Kim, nobody have the right to wish anybody to be harm. I hope that Pres DUR will also be enlighten of this belief,” ani Teresa Bone.

“TRUE. We may not like him, disagree with his styles and not happy with his actions, he is still human like us and christians don’t do that. Let us pray for this administration, for all the officials of the government that God will give them good health and stregth and wisdom and to make good decision for the nation,” saad ni Jon Serrano.

“Tama po Kuya Kim. Very well said. Lets pray for our Presdent. Lets pray for all our leaders. Lets pray for our country. Thats one of the best thing we can do,” sabi pa ni Rina Rabara.

Umabot ng libo libong reaksyon ang nasabing mensahe ni Kuya Kim.

Facebook Comments