Home Celebrities Ellen Adarna itinanggi na siya ang nagbabayad ng mga utang ni Derek Ramsay: “Di ako pangit para maging sugar mommy!”

Ellen Adarna itinanggi na siya ang nagbabayad ng mga utang ni Derek Ramsay: “Di ako pangit para maging sugar mommy!”

0

Mariing itinanggi ni Ellen Adarna ang mga balita na kumakalat sa internet na siya daw ang nagbabayad ng utang ng kanyang fiancé na si Derek Ramsay.

Sa kanyang Instagram story, pinabulaanan ni Ellen ang post ng Facebook page na “Pinoy Raffy Live” kung saan ay nakalagay sa caption ang diumano’y pag amin daw ng aktres na siya daw ang nagbabayad ng utang ni Derek.

“JUST IN ELLEN ADARNA KINUWENTO NA GINAWA LANG PALA SIYA TAGAPAGBAYAD NG UTANG NI DEREK,” sabi sa caption.

Natawa na lamang si Ellen at sinabi na hindi naman siya sugar mommy para magbayad ng utang ng kanyang karelasyon.

“Alam naman nating lahat di ako pangit para maging sugar mommy lol. If ganyan… i just left gwapa ko ang peg lol bye felicia.” saad ni Ellen.

Ibinahagi din ni Derek ang nasabing Instagram story at biniro pa nga niya ang kanyang nobya.

“Love salamat sa paluwal. Alam mo naman wala pang ayuda!! Love you @maria.elena.adarna,” biro ni Derek.

Parte si Ellen ng isa sa mga pinakamayamang pamilya sa Cebu na nagmamay ari ng mga hotel at condominiums.

Matatandaan na naging usap usapan ang dalawa dahil sa pag amin nila sa kanilang relasyon.

Lalo pa silang pinag usapan ng bigla na lamang mag propose si Derek kay Ellen.

Matatandaan na naging biro na ng mga netizens kay Derek na hindi ito magkakaroon ng permanenteng relasyon dahil sa dami ng dumaan sa kanyang babae.

 

Facebook Comments